Pokwang pang-international na ang beauty!
Aba, tingnan mo naman at may international movie pala si Pokwang. International sabi ko, dahil ginawa ito para sa nagsu-subscribe ng TFC (The Filipino Channel) na matatagpuan sa maraming panig ng mundo. Foreigner ang leading man ng komedyana sa movie na may pamagat na Ms. Edsa Woolworth, siya si Lee O Brien. I’m sure katulad ng unang movie niya para sa TFC, mapapanood din ang Ms. Edsa Woolworth dito sa atin.
Kapatid ni Zaijian babalik na lang sa school ‘pag hindi sumikat
Dahil marahil sa kasikatang tinatamasa ng kanyang kuya na si Zaijian Jaranilla kung kaya pinasok na rin ng 10 taong gulang na si Xymic Jaranilla ang local showbiz. Isa siya sa maraming nag-audition para sa mga bagong kabataan na bibigyan ng pagkakataon na maging artista sa bagong teleserye ng GMA, ang Yagit. Na pawang mga bagong mukha ng kabataan ang pagaganapin sa mga role na ginampanan nun ng mga batang artista na nagsilaki nang mga popular na artista ngayon. Sa rami ng tumugon sa panawagan ng Kapuso network at maging ng magiing direktor ng serye na si Gina Alajar, nakapili na ng limang kabataan para sa opisyal na pagsisimula ng Yagit. Ang lima ay binubuo nina Zymic Jaranilla, Chlaui Malayao, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla, at Steph Yamut.
Ngayon pa lamang ay nagsisimula nang pagkumparahin ang dalawang magkapatid, lalo’t magkaibang network ang kinabibilangan nila. Si Zaijian sa ABS-CBN at si Xymic sa GMA. Hindi ito first time ng mas batang Jaranilla na aarte sa TV. Nakasali na siya sa mga seryeng Prinsesa ng Buhay Ko at Niño. Kapag hindi naging kasing swerte si Zymic ni Zaijian, pagtutuunan niya ng pansin ang pag-aaral niya. Kahit artista na siya ay palagi pa rin itong nasa honor list.
Ibang nanalo sa Himig Handog hindi deserving?!
Isa ako sa disappointed sa kinalabasan ng resulta ng katatapos na Himig Handog P-Pop Love Songs. Dalawa sa mga nanalo, I dare say, should not have been there. Magaganda ‘yung mga tinalo nilang komposisyon at magagaling din ang interpreter. Magkakaalaman na lang siguro kapag nagtagal ang panahon at mas sumikat pa ang mga kantang ‘di nanalo.
- Latest