^

PSN Showbiz

Dreamweaver at The Janitor naka-A sa CEB!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang dalawang pelikula na ipinalabas sa Ci­nemalaya X – ang K’na The Dreamweaver at The Janitor, na parehong magkakaroon ng commercial exhibition.

Parehong maganda ang dalawang pelikula at kakaiba ang kuwento.

Very well crafted at maingat ang pagkakagawa ng Dreamweaver na isinulat at idinirek ng DLSU student na si Ida Del Mundo.

Si Ida ay anak ng mahusay na  writer na si Clodualdo del Mundo, Jr. na ang isa sa mga obra ay ang Maynila sa Kuko ng Liwanag.

Kinunan ang pelikula sa Lake Sebu, South Cotabato. Kuwento ito ng isang T’boli woman na si K’na, played by Mara Lopez Yokohoma, na naging dreamweaver at siya ring naging daan para magkaayos ang dalawang nag-aaway na angkan nang pakasal siya sa lalaking hindi naman niya mahal.

Ang The Janitor naman ay tungkol sa robbery sa isang bangko kung saan 10 employees ang namatay.

Magagaling lahat ng artista sa pelikula sa pangu­nguna ni Dennis Trillo at dinirek ni Michael Tuviera.

T’yanak ni juday sa sm cinemas lang ipalalabas

Tuloy pala this October ang Sineng Pambansa (Horror plus Film Festival) ng Development Council of the Philippines (FDCP) in partnership with SM Cinema.

Magbubukas ang Sineng Pambansa sa October 29, 2014 na matatapos sa November 4 in all SM branches nationwide. The entrance fee will be at regular admission prices.

Ayon sa FDCP,  ang Horror plus Film Festival will feature four films directed by master Filipino directors na of course ay pawang horror—and more.

Kasali sa apat na pelikula ang T’yanak ni Peque Gallaga and Lore Reyes, Hukluban ni Direk Gil Portes, Bacao ni Direk Edgardo Vinarao, and Sigaw sa Hatinggabi ni Direk Romy Suzara.

Bida sa T’yanak si Judy Ann Santos, Solenn Heussaff, Sid Lucero and Tom Gutierrez.

Ang Hukluban naman ni Direk Gil ay ang controversial starlet na si Krista Miller ang bida with indie actor Kiko Matos.

Sina Michelle Madrigal, Arnold Reyes, Marife Necesito, and Alvin Anson naman ang bida  sa pelikulang Bacao ni Direk Vinarao at sina Regine Angeles, Richard Quan, Afi Africa, Vangie Labalan, Chanel Latorre, David Karell, Alvin Anson, and Paloma sa Sigaw ng Hatinggabi.

Itinaon na ring Halloween ang nasa­bing festival bilang naka-focus nga sila sa horror movies.

Wala pang schedule ang individual gala premiere of each film.

Visit their FDCP homepage (www.fdcp.ph) and the FDCP Facebook page for more details and further announcements.

Sen. Grace dapat tularan nina Sen. Allan and Sen. Trillanes

Walang ‘binatbat’ sina Sen. Allan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes sa husay ng ‘panggigisa’ ni Sen. Grace Poe kay PNP Chief Alan Purisima sa Senate inquiry kahapon.

Ramdam ng mga nanonood at nakikinig na walang halong ‘galit’ si Sen. Grace sa ginagawa niya. Ang gusto lang niya ay lumabas ang katotohanan sa mga kontrobersiya ng hepe ng pulisya at sa responsibilidad nito sa peace and order situation ng bansa.

Ang dalawang magiting na senador, kahit pa nagda-dialogue na sila ang boses ng bayan, may angas ang ginagawa nila dahil alam mong pareho silang may ambisyon.

Actually, imbes na makapagpa-pogi sila, lalong nakakawala sila ng gana.

Sana tumulad sila kay Sen. Grace sa kahusayan.

 

AFI AFRICA

ALLAN AND SEN

ALLAN PETER CAYETANO

ALVIN ANSON

ANG HUKLUBAN

ANG THE JANITOR

FILM FESTIVAL

SEN

SINENG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with