^

PSN Showbiz

Pero inaayawan ang ini-offer sa kanyang role: Jericho botong-boto sa Kathniel para sa remake ng Pangako Sa ‘Yo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay napabalitang magkakaroon ng remake ang teleseryeng Pangayo Sa ‘Yo na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa 15 taon na ang nakararaan. Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo raw ang napipisil gumanap sa karakter nina Angelo Buenavista at Yna Macaspac sa bagong proyekto. Masayang-masaya si Jericho nang mabalitaan ang tungkol dito. ‘“I feel proud na, wow gagawin nila ‘yung remake ng Pangako Sa ‘Yo, and I really, really hope and I know na maganda naman talaga gumawa ang ABS-CBN. So after 15 years, more than a decade parang gagawin nila ‘yung bago, siguro ‘yun pa rin ang plot,” nakangiting pahayag ni Jericho.

Gustung-gusto raw ng aktor na ang KathNiel ang gagawa ng remake nito. “Well if they are getting Daniel and Kathryn, ang lakas ng tandem na iyon. Ang lakas ng chemistry na iyon. Ang isa sa lakas ng Pangako Sa ‘yo was the chemistry between Angelo and Yna, their love story and buhay na buhay na ‘yun sa love team nina Daniel and Kathryn,” paliwanag ni Jericho. Samantala, makakasama rin daw nina Kathryn at Daniel ang aktor sa remake ng nasabing serye. “They asked me to play a part, a role and parang better siguro na parang feeling ko hindi bagay sa akin ‘yung role eh. I mean I was part of Pangako Sa ‘yo for three years and  gusto ko panoorin ngayon kung paano siya and it’s an honor para sa akin,” pagtatapos ng aktor.

Jane mas lumakiang responsibilidad sa pamilya nang mag-18

Nasa tamang edad na si Jane Oineza kaya nakararamdam ng malaking responsibilidad ngayon ang aktres para sa kanyang pamilya. Pinagbubutihan daw ng dalaga ang lahat ng kanyang ginagawa para sa kanyang mga mahal sa buhay. “Actually no’ng July pa ako nag-eighteen. Ngayon ko lang nararamdaman siguro siyempre mas malaking responsibility and ang dami kong iniisip ngayon pero more on mas work for my family. Mas focus muna on that perspective, siyempre ngayon na ‘yung legal na ang age, iniisip ko po ‘yung mga ways to help them and give back to them,” paliwanag ni Jane. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa Kapamilya network dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng kompanya. Isang bagong teleserye ang nakatakdang pagbidahan ni Jane kung saan makakasama rin niya ang kapwa housemate na sina Loisa Andilao at Joshua Garcia. “Masaya ako kasi patiently waiting din ako for the past years na siguro inaantay ko lang ‘yung tamang time. Happy ako na kusa siyang dumarating. I am so glad and thankful na nandiyan sila to support me,” pahayag ni Jane. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                             

ANGELO AND YNA

ANGELO BUENAVISTA

DANIEL AND KATHRYN

JANE OINEZA

JERICHO ROSALES

JOSHUA GARCIA

KATHRYN BERNARDO

PANGAKO SA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with