^

PSN Showbiz

Anne excited sa kanyang Hollywood movie!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipapalabas na sa bansa ang kauna-unahang Hollywood movie ni Anne Curtis na Blood Ransom sa October 29. “Something to look forward to next month! My very first international indie film. I actually auditioned to get this part and got to experience filming in the States! So excited to see how it turned out! Yaaaaahoooooo,” sabi ni Anne sa FB account ng pelikula na ang Viva Films ang magre-release dito sa ‘Pinas.

Katatapos lang ipalabas ang peli­kula ni Anne na The Gifted (with Cristine Reyes and Sam Milby) na bukod sa tagumpay sa takilya, magagandang reviews ang natanggap niya. In fact, malamang daw na ito ang magbigay ng best actress award sa aktres.

Ang Blood Ransom ay dinirek ng Fil-Am na si Francis dela Torre na director din ng Subject: I Love You na pinagbidahan noon ni Jericho Rosales.

Rufa Mae, Sam, at Daiana magkakapareho ang pinagkakaabalahan

May something in common sina Rufa Mae Quinto, Sam Pinto and Daiana Menezes. Well, iisa ang pattern ng mga photos na ina-upload nila sa kanilang Instagram account, mga nagseseksihan nilang litrato na walang puknat nilang ibinabalandra sa photo sharing network.

Palibhasa siguro hindi masyadong busy sa kanilang career ang tatlo kaya panay ang kalkal nila ng mga sexy photos nila para ipakita sa kanilang followers.

Sa tatlo si Sam ang medyo ‘fresh’ pa dahil hindi pa masyadong expose ang lovelife pero sina Rufa Mae at si Daiana, alam ng buong bayan ang lovelife.

Si Daiana nga, may asawa supposed­ly pero in fairness hindi niya nakakasama sa mga photos na inilalagay niya sa kanyang IG account.

Anak ni Piolo ipapareha kay Julia Barretto

Ibang level at mas bonggang stage performances ang mapapanood sa ASAP 19 ngayong linggo (Setyembre 28) dahil sa espesyal na R&B number ng international music sensation na si Charice kasama ang R&B singer-composer Jay-R sa unang pagkakataon.

Tunghayan din ang isa na namang pinakaaba­ngang concert treat mula kay  Popstar Royalty Sarah Geronimo. Ito ay susundan naman ng Ultrablessed album launch ng Spongecola.

Bukod sa sunud-sunod na scream and shout performances, umaapaw din sa kilig at saya ang hatid ng newly engaged couple na sina John Prats at Isabel Oli sa kanilang espesyal na song number.

Mas lalong mai-in love sa ultimate ASAP heartthrobs na sina Piolo Pascual, Xian Lim, Gerald Anderson, at Enchong Dee sa hatid nilang espesyal na serenade.

Tuluy-tuloy naman ang selebrasyon sa ASAP 19 sa back-to-back birthday bash nina Paolo Valenciano at Erich Gonzales.

Samantala, saksihan naman ang makapigil hiningang musical performances ng The Voice Kids Lyca Gairanod, Darren Espanto, Juan Karlos Labajo, at Darlene Vibares kasama sina Martin Nieverra at ZsaZsa Padilla. Saksihan din ang de-kalibreng concert treat nina Charice, Vina Morales, Angeline Quinto, Jed Madela, Erik Santos, Yeng Constantino, Juris Fernandez, Richard Poon, Sitti Navarro, Nikki Gil, Tutti, Kean Cipriano, KZ Tandingan, at ang ultimate concert surprise mula kay Ultimate Multimedia Star, Toni Gonzaga. Damhin din ang banayad at relaxing na acoustic vibe ng ASAP Sessions kasama si Noel Palomo ng Siakol.

May Supahdance Throwback din sina Jojo Alejar at ng The Tigers, at abangan ang matinding balahaw ng Supahdance performance nina Enrique Gil, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Robi Domingo, Sam Concepcion, Bugoy Drilon, at Gimme 5. Hindi naman papahuli sina Iñigo Pascual kasama sina Julia Barrsetto at Liza Soberano sa isang exciting teen surprise, at abangan naman ang isang makapigil-hiningang ASAP Karaokey segment nila Luis Manzano at Alex Gonzaga.                 

ALEX GONZAGA

ANG BLOOD RANSOM

ANGELINE QUINTO

ANNE CURTIS

BLOOD RANSOM

RUFA MAE

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with