Pakiusap na ‘wag tawaging tita si Lea Salonga, walang masama
Eh ano rin kung ayaw patawag na tita ni Lea Salonga? May nasaktan ba siya? Wala naman, ‘di ba? Isang simpleng pakiusap lang ito na mas madaling tawagin siya sa pangalan niya, kaysa lagyan pa ng tita o ate ‘di ba? Anong masama rito?
Regine malakas sa lahat ng network
Laban kayo kay Regine Tolentino? Aba eh bukod tangi siyang Kapuso na wini-welcome sa dalawang network na mahigpit na kalaban ng GMA 7, ang ABS-CBN at TV5. Napapanood na siya regularly sa Unang Hirit tapos, host din siya ng reality show ng mga pre-schoolers sa GMA 7. Other days, nasa TV5 siya. Aba, Regine, ang lakas-lakas mo naman sa mga network hah!
Tom itinago lang ang bukol sa padding?!
Nag-padding daw si Tom Rodriguez sa pagrampa niya kamakailan sa isang napaka-controversial na underwear fashion show? O, eh ano naman. Baka hindi lang niya gustong bumakat ang manoy niya o maaninag ito nang husto. Ano’ng reklamo n’yo, dahil hindi n’yo ito nasilayan ng buo? Dusa kayo!
- Latest