Marian, Ellen nagpaseksihan sa Bench fashion show
MANILA, Philippines -– Sa kabila ng matinding ulan at pagbaha, uminit ang entablado ng Mall of Asia Arena matapos rumampa ang nagseseksihang modelo ng Bench nitong Sabado para sa taunang Denim and Underwear Fashion Show.
Naging tapat sa kanilang “The Naked Truth” na pamagat ang Bench matapos mapatili ang mga manonood sa naggagandahang katawan ng mga modelo na pinagbidahan ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera.
Hindi rin naman nagpatalbog ang dating GMA7 talent at ngayo'y ABS-CBN star na si Ellen Adarna na hinubaran ni John Spainhour.
Rumampa rin sina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Jessy Mendiola, Max Collins, Julia Montes, Shaina Magdayao, at Carla Abellana.
Pinag-usapan din ang pagpapakita ng pUwet ni Jake Cuenca at ang pagrampa ng tambalang Tom Rodriguez at Dennis Trillo na sumikat sa teleseryeng “My Husband's Lover.”
- Latest