^

PSN Showbiz

Damit na gawa ng Pinay designer nagpanalo kay Taylor na Best Dressed!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa mga nagpanalo bilang best dressed of the Year ng People Magazine kay Taylor Swift ang damit na gawa ng  Pinay designer na si Monique Lhullier.

Sa Instagram account ng Pinay designer na favorite sa red carpet ng Hollywood stars, pinost niya ang nasabing damit na sinuot ng international singer na kering-keri ni Taylor. Simple lang pero super nang suutin na ni Taylor. Sinuot ito ni Taylor sa  premiere ng pelikulang Giver sa New York last August. Support man lang daw siya sa pelikula, bidang-bida naman ang dating niya sa premiere nito.

Sino kayang local celebrities natin ang nagsusuot ng Monique Lhullier gown na available na sa isang high end department store sa bansa?

BMG maraming solusyon sa mga problema sa balat

Uso na ngayon ang mga non-surgical rejuvenating treatments and acne problem solutions na tatalakayin sa programang Salamat Dok ngayong Linggo.

Ipaliliwanag ng Belo Medical Group (BMG) Associate Physician, Dr. Johanna Christina Muñoz ang detalye ng procedures na Thermage, Fractional Micro-Needling, and Regenlite para mas maunawaan ng marami ang bonggang epekto nito sa kanilang mga mukha.

Ang thermage ay isang klase ng procedure na nagta-tighten ng balat at nagtatanggal ng wrinkles at dini-define din nito ng facial contours. Hindi lang ito pang-mukha, puwede rin ito sa katawan para hindi lumaylay ang inyong mga balat. Walang kailangang operasyon ang ganitong procedure.

Ang Fractional Micro-Needling ay nagpapabata ng balat. Yup, according to BMG. As in ‘pag daw dumaan ka sa ganitong proseso, magiging fresher and younger looking ka dahil nagke-create ito ng microscopic channels in the skin and improve the penetration of Vitamins A and C about 1,000 times, allowing a faster and more efficient way to stimulate skin renewal.

Ang Regenlite naman ay isang laser treatment which provides fast, effective treatment for all grades of acne vulgaris and vascular problems (like warts, spider veins, birthmarks). Yes, sa lahat ng klase ng mantsa sa balat. Wala raw downtime ang procedure na ito na puwedeng once a month lang o depende sa kailangan mong treatment.

Bukod dito, meron din iba pang ino-offer na solutions ang BMG - LED/Ray of Inara, Double Cleaning, Modified Acne Kit and the ZO 3-Step Peel - to the persistent acne problem.

Kaya ngayon talaga, wala nang rason para ma­ging panget ka. Lahat puwedeng gawin para gumanda na hindi kailangang magdusa sa sakit. Punta lang sa Belo. Pero dapat may datung ka rin or else hindi ka rin puwedeng gumanda.

Cherry Pie umaasang mabibigyan ng katarungan ang pagpatay sa ina

Nag-request kahapon ng private time ang pamilya ni Cherry Pie Picache sa pinatay niyang ina na si Mrs. Zenaida Vidor Sison. Pero today, magkakaroon ng wake sa Hall A ng Arlington Chapel at magkakaroon ng mass na ganap na 7:00 p.m.

Sa kanilang statement, umaasa si Cherry Pie na mahuhuli ang mga salarin sa pagpatay sa kanyang nanay noong kasagsagan ng bagyong Mario.

“We trust that the QCPD together with the Scene of Crime Operation (SOCO) through their vigilance and effort will apprehend the person or persons who committed this gruesome crime against our mother and family and to our society.

“We would like to thank the office of the mayor of Quezon City, Herbert Bautista for their immediate action. Harlene Bautista Tejedor for her assistance.”

ANG FRACTIONAL MICRO-NEEDLING

ANG REGENLITE

ARLINGTON CHAPEL

ASSOCIATE PHYSICIAN

BELO MEDICAL GROUP

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

DOUBLE CLEANING

MONIQUE LHULLIER

TAYLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with