Bet ng Bayan aarangkada sa Peñafrancia Festival ng Naga
MANILA, Philippines - Sa pagdagsa ng mga deboto ng Mahal na Ina mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa papunta sa Naga City para sa taunang Peñafrancia Festival, nakikiisa rito ang GMA Network sa pagdaraos nito ng kauna-unagang Bet ng Bayan regional finals ngayong Linggo, September 21.
Ang kahanga-hangang bets mula South Luzon ay magtatagisan ng galing sa nasabing regional finals na gaganapin sa Plaza Quezon simula 6:00 p.m.
Mangunguna sa nasabing event, na isa ring Kapuso Fiesta, sina Bet ng Bayan hosts Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards, na parehong naghanda ng kani-kanilang bonggang performances para sa mga Bicolano.
Sa September 21 din gaganapin ang auditions ng nagbabalik na reality-based artista search on television na StarStruck. Mangyayari ito sa The Event Center ng SM City Naga mula 10:00 AM kung saan magkakaroon ng appearance ang StarStruck survivor na si Ryza Cenon. Tatakbo ang auditions hanggang Lunes, September 22, na may parehong schedule.
Samantala, isang special live coverage ng Peñafrancia fluvial procession na pinamagatang An Pag-Debosyon kan Masa ang mapapanood sa Sabado, September 20, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA TV Bicol.
Ang highlights ng pakikiisa ng GMA sa Peñafrancia Festival ay mapapanood sa Let’s Fiesta! ngayong September 28 sa lahat ng GMA regional stations sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod , Davao, GenSan, at Cagayan de Oro.
- Latest