Maricel ayaw ipalagay sa kabaong ang ina nang mamatay
Nagpapahinga na si Maricel Soriano after ng last taping day ng Ang Dalawang Mrs. Real last Monday at panonoorin ang ending mamaya ng serye. Haharapin din muna nito ang personal errands, gaya ng pagpunta sa derma, sa dentist, parlor, at mga bagay na ‘di nagawa noong kasagsagan ng taping.
Kung si Maricel ang masusunod, isang buwan daw muna siyang magpapahinga bago gawin ang pelikula sa Viva Films. At kung ang kampo rin nito ang masusunod, gusto’y si Andoy Ranay ang magdirek ng pelikula ni Maricel.
Sa final interview sa ilang cast ng Ang Dalawang Mrs. Real, na-share ni Maricel ang pinagdaanang depression nang mamatay ang inang si Mommy Linda. Naalala niyang ayaw niyang ipalagay sa kabaong ang ina at umabot ng 45 minuto bago siya napapayag na gawin ito. For four days, hindi siya natulog at catatonic siya that time.
Dumaan din siya sa midlife crisis at nagpasalamat na nakatulong para siya mag-survive ang experience niya sa showbiz sa loob ng 44 years. Alam niya kung paano maging malungkot at higit sa lahat, alam niyang magbilang at magpasalamat sa blessings na dumating sa kanya.
Ang close friends at pamilya lang niya ang nakaalam sa kanyang mga pinagdaanan dahil hindi siya nag-ingay, pero inaming nag-seek siya ng professional health nang dumaan siya sa depression dahil kailangan.
Mark at Ynna nagkabalikan na?!
Inisip agad ng mga nakakita ng pictures nina Mark Herras, Ynna Asistio, at Nadia Montenegro pati ang comment ni Katia Montenegro sa Instagram (IG) ng aktor na nagkabalikan na sina Mark at Ynna. Ito’y kahit malinaw ang sinabi ni Ynna na nagkita lang sila ng ex, pero hindi sinabi kung saan at kung kailan.
Ayon pa kay Mark, na-miss niya sina Ynna at ang younger sister nito, pero ang pinaka-miss niya ay si Nadia. Natuwa ang followers ng aktor na friends na sila uli ni Ynna at ng mga Asistio at Montenegro.
First birthday pala ni Ada, anak ni Mark sa November 7 at ngayon pa lang, pinaghahandaan na nito at mother ni Ada ang kaarawan ng bata. May pictorial ang bagets sa Nice Print Photo at mukhang big celebration ang magaganap. Kumbidado kaya sina Nadia, Ynna at mga kapatid nito?
Habang wala pang soap si Mark, sa Sunday All Stars muna siya napapanood at sa One Proud Love episode ng Maynila kapareha si Nadine Samonte. Sa re-launching ng Saturday series na produced ng Maynilad Golden Productions ng Atienza family, Maynila, Ang Kwento Mo ang bagong title ng series.
Jasmine di malimutan ang paninigaw kay Ate Guy
Kasama sa cast ng Dementia si Jasmine Curtis-Smith, pero nagmamadali yata ito dahil tinapos lang ang general presscon at nang mag-request ng dagdag na interview ang press, nagsabing pupunta lang daw siya sa restroom pero hindi na bumalik.
Ang nabanggit lang ni Jasmine, overwhelmed siya at very intimidated na maka-eksena si Nora Aunor. Sa first scene nila, kailangan niya itong sigawan, takot na takot siya at hindi alam kung paano ito gagawin. Nilapitan siya ni Guy at sinabing gawin niya ang dapat gawin.
Tapos na nilang i-shoot ang Dementia at ipalalabas na ito sa September 24, pero hindi pa rin makalimutan ni Jasmine ang working experience niya with Guy lalo’t newcomer pa lang siya.
Dahil wala na si Jasmine, hindi na ito natanong sa series sa TV5 na pagtatambalan nila ng BF niyang si Sam Concepcion titled My Tag Boyfriend. Hindi na rin ito nakapag-react sa nomination niya sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Spciety (ENPRESS) sa Best Breakthrough Performance by an Actress for the movie Transit.
Tina Paner nasasanay nang ‘magnakaw’ ng baby!
Nata-type cast si Tina Paner sa role na nagnanakaw ng baby. Ganito ang role niya sa Strawberry Lane at ganun din sa Trenderas. Mas mahaba lang ang exposure niya sa show ng TV5 dahil kasama pa rin siya sa mga darating pang episodes.
Samantalang sa Strawberry Lane, one week lang tumagal ang role niya at pinatay na ang karakter nito. Kaya siguro hindi na ito pumunta sa presscon ng serye ng GMA 7 at hindi na umalis sa presscon ng TV5.
Maganda ang feedback ng Trenderas, nagustuhan ng viewers na mahilig sa musika ang concept nito. Bukod sa pasabog na musical numbers nina Lara Maigue, Katrina Velarde, at Isabelle de Leon, aliw din ang comedy na hatid nina K Brosas, Kitkat, at Cacai Bautista. Tumawa at makikanta sa Trenderas, 9:30 p.m., sa TV5.
- Latest