OPM noong dekada 70’s and 80’s hinahanap pa rin ng fans
Alam mo, Salve A., hindi ko alam kung sasang- ayon ka sa akin, pero I have to admit na ibang-iba talaga ang OPM music nung dekada 70’s at 80’s kumpara ngayon na masasabi kong glory days ng musika and even the entire entertainment business.
Lately, nag-i-enjoy kami sa panonood ng mga shows and concerts ng mga seasoned and veteran singers-performers tulad nina Jose Mari Chan, Imelda Papin, Eva Eugenio, Claire dela Fuente, and lately ng The New Minstrels’ Divos dahil patuloy nilang binubuhay ang mga classic songs na kanilang pinasikat nung kanilang kapanahunan.
Sana muli ring magkaroon ng special concert ang The Hitmakers na binubuo naman nina Rico J. Puno, Rey Valera, Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga, at Marco Sison. At i-guest naman nila ang isa pang hitmaker ng dekada 70’s na si Basil Valdez.
Looking forward din kami sa reunion concert ng Apo Hiking Society na binubuo nina Danny Javier, Jim Paredes, at Boboy Garovillo ganundin ang Hotdog, Boyfriends, Circus Band, Juan dela Cruz at iba pang grupo na sikat na sikat nung 70’s and 80’s.
In fairness, sa kabila ng pagdaan ng maraming taon, ang OPM music noon ang siya pa ring hinahanap-hanap ng Filipino audience here and abroad.
Speaking of OPM, Binubuo ngayon ang The New Minstrels’ Divos nina Eugene Villaluz, Ding Mercaco, Rene Puno, at Chad Borja. Silang apat ay naging miyembro ng sikat na grupo noong 70’s and 80’s na The New Minstrels.
Nagsimula ang The Minstrels in 1974 na binuo nina Eugene Villaluz at Cesar dela Fuente nung kanilang college days sa San Beda College. After graduation, nagkanya-kanya na ang ibang members kaya nag-audition sina Eugene at Cesar ng mga bagong members at tinawag na nila itong The New Minstrels. Dito na pumasok ang ibang members tulad nina Louie Reyes, Ding Mercado, Ray-An Fuentes, Meiling Gozun, Eileen Dolina, Aida Balmaceda, at Babes Conde.
Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng mga additional members ang grupo who eventually went solo rin tulad nina Zsa Zsa Padilla, Joey Albert, Rene Puno, Chad Borja among others.
Not too long ago, nagkita-kita sina Eugene, Ding, Rene, at Chad at dito nila binuo ang The New Minstrels’ Divos na nagkaroon ng successful repeat shows sa RCBC Theater in Makati recently.
- Latest