Kabog daw kasi ang cheerdancers sa husay guwapong young actor hindi mabura sa alaala ang ‘performance’ ng singer-actress!
Kasagsagan ng kainitan ng libido nu’n ng isang guwapong young actor. Katatapos lang niyang dumalo sa isang workshop, pagod na pagod siya, marami kasing ipinagawang exercises ang kanilang guro sa pag-arte.
Nasa lobby siya ng kanilang network, nagyoyosi, nang dumating ang isang hindi pa naman katandaang actress-singer na kagagaling naman sa rehearsal nila para sa isang variety show.
Nagkumustahan sila, matagal na kumustahan, maya-maya ay nakita na ng mga nandu’n na sa kotse ng young actor sumakay ang hindi na bagets pero hindi pa naman katandaang singer-actress.
Nagkasundo pala silang magtanggal ng pagod, mag-alis ng stress, pero hindi sila pumunta sa bar dahil dumiretso sila sa isang malamig na lugar na silang dalawa lang ang magkasama.
Napakabilis ng pangyayari. Hindi sila magkarelasyon, ni hindi nga type ng young actor ang girl, trip-trip lang ang namagitan sa kanila.
Naganap ang inaasahan kapag nagkasama sa isang pribadong lugar ang isang lalaki at isang babae. Makailang ulit silang magkasabay na umakyat sa langit nang hindi nakikita si San Pedro.
Pagkatapos ng nag-uumalpas na init ng kanilang mga katawan ay ihinatid na ng young actor ang singer-actress sa kanyang condo unit. Nagkawayan lang sila na parang walang naganap.
Kinabukasan nang umaga ay nagkita sila sa studio, araw ng variety show, nang magkasalubong sila sa hallway ay tinapik lang ng girl ang boy, nagbeso-beso sila na parang magkakilala lang, parang balewala lang para sa kanila ang naganap nu’ng sinundang gabi.
Hanggang ngayon, kapag naaalala ng young actor ang namagitan sa kanila isang gabi ng singer-actress ay napapangiti siya nang pagkatamis-tamis, hindi na naulit pa ang mainit nilang pagsasalo sa kaligayahan pero nag-iwan ng tatak sa utak ng lalaki ang kakaibang “performance” ng girl, “Hayup ka talaga, nag-iisa ka lang, ikaw na!” ang thought balloon ng bagets tungkol sa singer-actress na kakabugin ang mga nagkampeong cheerdancers sa UAAP sa sobrang galing mag-acrobat.
Mr. Fu, mag-ehersisyo ka rin ng utak mo, kilalang-kilala mo kung sino ang dalawang ito. Maraming salamat sa pagpo-promote mo araw-araw ng PSN (Pilipino Star NGAYON) sa pinagpipistahang programa mo sa radyo.
Kampo nina Cedric at Deniece ‘di pa dapat mag-showtime!
Hindi pa tapos ang laban! Ni hindi pa nga ‘yun nangangalahati, nagsisimula pa lang, wala pang katiyakan ang tagumpay ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee na binigyan ng kalayaang makapagpiyansa sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanila ni Vhong Navarro.
Totoong nakagugulat ang nangyari dahil itinuturing na non-bailable offense ang kasong kinasasangkutan ng mga kalaban ng actor-dancer-TV host, ipina-inhibit na ng kanyang abogado ang kaso kasabay ang motion for reconsideration, pero hindi pa panahon para magbunyi ang tropa ni Cedric Lee.
Kung matatandaan, ilang taon na ang nakararaan ay nakapag-bail din ang dating kongresistang si Dennis Roldan sa kasong kidnapping, ikinagimbal din ‘yun ng pamilya ng nagdemanda sa actor-politician pero nang dumating ang paghusga ay pinatawan ng parusang reclusion perpetua si Dennis Roldan.
Panghabambuhay na pagkakulong ang kailangang pagbayaran ng pulitiko, naganap ‘yun sa kabila ng pagbibigay ng pansamantalang kalayaan sa kanya, kaya wala pang dapat ipagbunyi ang mga kinasuhan ni Vhong Navarro na nakalalaya rin ngayon habang dinidinig ang kasong ihinain niya laban sa mga ito.
Hindi garantiya ang temporary liberty ngayon nina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Zimmer Raz para sabihing tapos na ang boksing.
Hindi pa “It’s showtime,” maraming taon pa ang kailangan nilang hintayin para mapawalang-sala sila kung ‘yun ang kanilang inaasahang mangyari, pero paano kung nakadrowing na rin pala ang parusang reclusion perpetua para sa kanila?
Ubos!
- Latest