^

PSN Showbiz

Pero hindi pa dapat magsaya, baka matulad kay Dennis Roldan Deniece nakalabas na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natupad na kahapon ang pangarap ni Deniece Cornejo na makalaya dahil nakapagpiyansa na siya ng P500,000.

Pansamantala lamang ang kalayaan nina Deniece, Cedric Lee, at Zimmer Raz habang dinidinig ng korte ang mga asunto ni Vhong Navarro laban sa kanila.

Ang sabi ng isang abogado, hindi nakasisiguro ang tatlo hangga’t hindi lumalabas ang desisyon ng korte.

Ibinigay na example ng lawyer ang nangyari kay Dennis Roldan na nasangkot din sa kidnapping noong 2005, nakapagpiyansa ito ng kalahating milyong piso kaya nakalaya pero pinatawan ng parusa na reclusion perpetua nang mapatunayan ng korte na guilty siya.

Tumagal ng siyam na taon ang hearing ng kidnapping case ni Dennis na naging pastor pa. Shocked na shocked si Dennis nang hatulan siya ng korte ng habambuhay na pagkakakulong sa New Bilibid Prison dahil ang buong akala niya, off the hook na siya.

Nakatulong kay Dennis ang new found faith niya sa Diyos para tanggapin ang kapalaran niya. Kumbaga, naihanda niya ang sarili sa hindi inaasahan na hatol sa kanya.

Laban ni Vhong hindi sana matulad sa kaso ni Dennis

Tumagal ng nine years ang pagdinig sa kaso ni Dennis at siguro naman, hindi aabutin ng siyam na taon ang hearing ng mga demanda ni Vhong laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

Marami na ang nangyari kung sa 2023 pa magkakaroon ng desisyon ang kaso na talagang pinagpistahan ng publiko mula nang maganap ang insidente noong January 22, 2014.

Marian lalayas ng bansa para sa huling selebrasyon ng pagiging dalaga

Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7.

Nabawasan na ang trabaho ni Dingdong Dantes kaya libre na siya na magbakasyon sa ibang bansa.

Aalis din si Marian Rivera pero hindi sila magkasama ng kanyang future husband. Ang mga kaibigan ni Marian ang kasama nito sa ibang bansa na venue ng “bridal shower” para sa kanya. Saka ko na lang sasabihin ang bansa na pinuntahan ni Marian kapag nakabalik na sila sa Pilipinas ng kanyang friends.

Pinag-uusapang Korean drama movie, Tinagalog na

Ang Tagalized version ng Korean movie na Miracle in Cell No. 7 ang ipalalabas ng GMA 7 sa darating na Linggo, September 21, 11:15 a.m.

Bago pa na-acquire ng GMA 7 ang rights na maipalabas sa TV ang Miracle in Cell No. 7, madalas na pinag-uusapan ito ng production staff ng Startalk tuwing may meeting kami.

Ikinukuwento nila na nakakaiyak daw ang Korean movie na napanood nila sa YouTube at bato na lang ang puso ng hindi matatangay sa mga maramdamin na eksena.

Hindi naman ako nanonood sa YouTube kaya chance ko na sa Linggo na mapanood sa Kapuso Network ang Miracle in Cell No. 7. Aabangan ko ang pelikula at titingnan kung talagang nakakaiyak ito or else…

Mag-ama ang mga bida sa pelikula. Sina Gabby Eigenmann at Mona Louise Rey ang pinili para mag-dub sa wikang Tagalog ng Miracle in Cell No. 7.

Papa Sonny at iba pang kongresista binigyan ng parangal ang Gilas

Nagpunta kahapon sa Kongreso ang Team Gilas Pilipinas para tanggapin ang parangal dahil sa tagumpay nila sa 2014 FIBA World Cup na ginanap sa Seville, Spain.

Kasama ng Team Gilas Pilipinas si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan na buong-buo ang suporta sa kanila.

Si House Speaker Sonny Belmonte ang tumanggap at nanguna sa pagbibigay ng parangal sa Team Gilas Pilipinas dahil sa karangalan na ibinigay ng grupo sa ating bansa.

Sinabi ni Papa Sonny na fans din ng Team Gilas Pilipinas ang mga kongresista at ipinagmamalaki nila ang tagumpay ng grupo sa Spain.

 

ANG TAGALIZED

CEDRIC LEE

CELL NO

CHAIRMAN MANNY V

DENIECE

PAPA SONNY

TEAM GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with