Paolo dapat maghinay-hinay sa trabaho
Hoy Paolo Ballesteros, konting hinay at may alta presyon ka pala! Kung hindi ka pa naospital, hindi pa malalaman ng lahat na hindi ka perfectly healthy. Bawas sa pagkain at napakaganda ng takbo ng career mo ngayon. Huwag mong hayaan na masayang. At bata ka pa para ma-mild stroke. Hindi biru-biro ang sakit mo hah!
Tom at Carla baka putaktihin ng langgam kapag umaming mag-dyowa na!
Hindi pa pala magdyowa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana? ‘Yung inaarte-arte pala nila ay hindi pa sila? Paano kaya kung sila na, baka langgamin na ang dalawa? Pero kahit hindi pa sila, mukhang dun din naman papunta ang relasyon nila Tom at Carla. For sure na sa klase ng closeness nila, mahihiya ang maraming magdyowa. At walang naniniwala na wala pa nga silang relasyon.
Vhong ‘di masisisi kung bigla na lang umalis sa showbiz at magtago sa malayong lugar
Naiintindihan ng marami ang takot na nararamdaman ni Vhong Navarro sa paglaya ng mga naka-trouble niya. Mag-ingat na lang siya dahil hindi naman siguro siya muling maaagrabyado. Hindi rin marahil gugustuhin ng mga nakagalit niya na muling bumalik ng kulungan kapag nagka-aberya ulit sila.
- Latest