^

PSN Showbiz

Rapper yumabang na agad porke’t uso at mabango ang pangalan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Palaging bumibida ngayon sa umpukan ng mga show promoters ang napakaagang pagkalunod sa isang basong tubig ng isang musikerong uso ngayon pero walang kasiguruhan ang takbo ng career.

Malakas ang kanyang hatak sa mga kabataan, totoong kinakikiligan siya sa kanyang kakaibang atake, pero hanggang kailan naman kaya siya susuportahan ng ating mga kababayan sa napili niyang linya?

Nu’ng una ay simple lang ang musikero, nasa isang sulok lang siya ng backstage habang naghihintay ng kanyang performance, pero nang umingay na ang kanyang pangalan ay unti-unti nang naging kapansin-pansin ang kanyang kaangasan.

Kuwento ng aming source, “Akala niya siguro, e, panghabambuhay na ang popularity niya. Ang nakakalimutan niya, e, uso lang naman siya ngayon dahil uso ang ginagawa niya bilang musikero.

“Pabagu-bago ang panlasa ng tao, paiba-iba ang atakeng hinahanap ng audience, kung uso ang pagra-rap ngayon, baka bukas, e, sawa na ang publiko sa kanya.

“Palagi siyang late sa mga tinatanguan niyang shows, porke alam niyang pang-finale siya dahil ‘yun ang palagi niyang gustong mangyari, lumaki na ang ulo niya!

“Hindi masimulan ang show hanggang malayo pa siya, marami siyang inaabalang tao, masyado siyang makasarili! Kailangan siyang hintaying dumating bago pa mag-start ang programa.

“‘Di ba naman napakaaga niyang naging maangas? E, ‘yun ngang itinuturing na hari ng linya nila, e, napaka-professional, siya pa ba namang kabagu-bago pa lang ang gagawa ng ganyan?” naiinis na kuwento ng isang show promoter.

Napakadaling hulaan kung sino ang umangas nang musikerong ito. Hinango ang kanyang pangalan sa isang probinsiya sa bandang Norte na Ilokano ang ginagamit na salita ng mga tagaroon.

Kaya ang tanong, “Kabsat, anyamitin? Apay bumalataw ka mitin?” (Read: Kapatid, ano’ng nangyari? Bakit yumabang ka naman na?)

Manager ni Lovi hindi nagpabaya

Sa halip na makipagratratan ng mga salita ay idinulog ng manager ni Lovi Poe sa Professional Artists Managers Inc. (PAMI) ang ginawang pampublikong panglalait-pangmamaliit ni Direk Erik Matti sa kanyang alaga.

Siguradong iniyakan ng dalaga ang ginawang pagmumura sa kanya ng direktor, pati ang pagtawag nito sa kanya ng starlet, pero tamang desisyon ang ginawa ni Leo Dominguez na isumbong sa PAMI kung saan ito miyembro ang problema.

Ganu’n ang wastong pakikipaglaban, mas mataas ka kesa sa nag-aakusa sa iyo, inupuan na ng mga opisyales at miyembro ng PAMI ang ihinaing problema ng manager ni Lovi.

Kahit naman sino ang tanungin mo ngayon kung tama ba ang ginawa ng direktor ay puro pagpalatak at pag-iling lang ang matatanggap mong tugon. Kung sana’y hindi ‘yun idinaan sa social media, kung sana’y hindi nito minaliit at ipinahiya si Lovi sa buong bayan, siguro’y makakaya pang tanggapin ‘yun ng aktres.

Ang pagpapadala sa emosyon ay nagtutulak sa tao sa bangin ng kahihiyan. Maraming edukadong hindi nagpapairal ng pinag-aralan kapag nagagalit.

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng PAMI na ang nilalaman, “After a careful deliberation, PAMI expressed its support for Dominguez and condemned the reckless, arrogant and vulgar statements of Matti on his social media account.”

BAKIT

DIREK ERIK MATTI

KANYANG

LEO DOMINGUEZ

LOVI

LOVI POE

PROFESSIONAL ARTISTS MANAGERS INC

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with