^

PSN Showbiz

Dennis walang paki sa pagbubuntis ni Cristine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May pa-pogi tips ang mga Campus crushes na sina Elmo Magalona, James Wright, Luigi D’Avola at Alden Richards sa Sunday All Stars mamayang hapon.

Magkakaroon naman ng sizzling hot dance number si Lovi Poe bilang pagpapaalam ng Ang Dalawang Mrs. Real.

PAK : Hindi nagkomento si Dennis Trillo sa isyung buntis si Cristine Reyes. Matagal na raw silang walang komunikasyon ng dating girlfriend at wala na raw siyang balita.

Parang ayaw naman niyang maniwalang totoo ang kumakalat na tsismis na nagdadalangtao ito

“Hindi ko alam eh. Wala akong alam tungkol diyan. Hindi naman ako curious kung totoo ‘yun. Pero kung saan siya masaya…” sagot lang sa amin ni Dennis sa presscon ng bagong drama series niyang Hiram na Alaala.

Kaya tinanong na rin namin kung masaya ba ang alaala niya kay Cristine na ayaw niyang ipahiram kung sakali.

“Kung ano man ang namagitan sa alaala  namin, espesyal naman ‘yun. Sa amin na lang ‘yun,” napapangiti niyang sagot sa amin.

BOOM : Marami na ang nakapansin kay maganda at kilalang aktres sa madalas na pagdalaw at minsan ay nagbabantay pa sa taping ng guwapo at kilala ring aktor na nakasama rin niya sa drama series na pinagbidahan niya.

Wala pa silang inaamin sa kanilang relasyon, pero nakikitang meron na talagang namamagitan sa kanila.

Nagiging masakitin kasi si aktor lately kaya binibigyan talaga ni aktres ng time na madalaw ito sa taping at madalhan ng food at matiyak na okay ang karamdaman nito.

Ganun ka-love ni kilalang aktres si guwapo at kilalang aktor, kahit wala pa silang inaamin sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

ELMO MAGALONA

JAMES WRIGHT

LOVI POE

LUIGI D

MRS. REAL

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with