^

PSN Showbiz

Kylie Padilla binura na si Aljur, si Rayver na ang gusto

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado si Kylie Padilla na kinikilig at nakikipagharutan nga siya kay Rayver Cruz sa shooting nila ng pelikulang Dilim for Regal Films. Actually, sa um­pisa parang ayaw niya pang magsalita. Pero obvious na kinikilig siya. Pero napaamin namin siya. “Yes, I like him,” diretsong sagot ni Kylie nang mag-surprise visit siya sa aming opisina kahapon. “Sobrang bait kasi niya,” dagdag na sabi niya tungkol sa aktor.

Pero ini-enjoy niya pa raw ang pagiging single after ng break up nila ni Aljur Abrenica. Natuto na raw siyang hindi dumepende sa actor sa mga ginagawa niya.

Noon daw sila pa ni Aljur, lagi niyang inaalala ang aktor sa mga ginagawa niya. Pero ngayon naka-condition na ang mind niya na ‘kaya ko ‘yan.’

Updated ba siya sa nangyayari sa ex? Binigyan ba niya ng advice? “Hindi naman siya nakikinig,” sabay tawang sagot ng anak ni Robin Padilla.

Pero  makakasama niya na rarampa ang ex sa Night of the Stars: A Celebration of Philippine Barong and Filipiniana Dresses sa September 20 at the PICC, Pasay City kung saan ipakikita ang magagandang gawa ng mga designer na sina Shannon Pamaong, Edwin Uy, Albert Figueras, Simon Ariel Vasquez, Manny Halasan, Gary Roces and Renee Salud na formal outfits na classy pero magagamit mo sa ordinaryong okasyon.

Bukod kay Kylie, makakasama rin ni Kylie na rarampa sina Arthur Solinap, Rita de Guzman, Geoff Taylor, John Santos, Dianne Hernandez, Pat Fernandez, Katrina Medina at marami pang iba.

The event is organized by SIMEM International - Sun Image Marketing and Events Management, a promotions company, as well as a group that specializes on image and personality development. It has chosen the fashion show that pays tribute to our national costumes—the Barong Tagalog for men and the Baro’t Saya for women—as its first major venture. Proceeds will go to the Houses of Orphanage. (For more details contact Perry Escano at 0905 4223722 or email [email protected].)

PAMI inililihim ang sanction kay direk Erik matapos tawaging starlet at i-f--- si Lovi

Kinondena ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) sa pamumuno ni Ms. June Rufino si Direk Erik Matti matapos nitong tawaging starlet at i-f—k y—ang alaga ng isa sa mga member ng grupo, Leo Dominguez, si Lovi Poe.

Last Friday ay nag-meeting ang grupo ng talent managers. Ayon sa isang source, may sanction na ang grupo sa director pero hindi raw puwedeng isulat. Basta meron na raw decision ang PAMI. Nagkaroon daw ng careful deliberation ang grupo bago ang nasabing sanction na inililihim nga ng mga member. Walang gustong magsalita kahit isa sa kanila.

                                                               

 

ALBERT FIGUERAS

ALJUR ABRENICA

ARTHUR SOLINAP

BARONG TAGALOG

DIANNE HERNANDEZ

DIREK ERIK MATTI

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with