Edu Manzano pumiyok na pinagbabataang papatayin
Kampo diumano ni Ronnie Ricketts ang may kagagawan
Seen : Ang mensahe ni former Optical Media Board (OMB) Chairman Edu Manzano sa kampo ni OMB Chairman Ronnie Ricketts na inaakusahan niya ng harassment : To all the Ricketts cronies that are harassing me: WALA AKONG KINALAMAN SA SUSPENSION NG BOSS NINYO. Since 2009, I have not had.. anything to do with the OMB.
Sinabi ni Edu na nakakatanggap din siya ng death threats.
Scene : Ang rebelasyon ni Edu Manzano na nasa hold over capacity na lamang si Ronnie Ricketts bilang OMB Chairman dahil natapos na ang termino nito noong March 2013: In the first place, EXPIRED na ang appointment ng boss ninyo, at HOLDOVER capacity na lang siya.. Naghihintay na lang ng kapalit, sumabit pa. Bakit ba ako ang pinag-iinitan ninyo? His time was done anyway.
Seen: Ho-hum ang reaksyon ng mga tao sa mga kuwento ni Enchong Dee tungkol sa kanyang girlfriend na si Samantha Lewis. Walang makita na spark sa relasyon nina Sam at Enchong.
Scene : Mula sa ABS-CBN, bumalik si Kiko Estrada sa GMA 7 at binigyan ng malisya ang kanyang statement na ‘ It’s much safer here.’ Mapapanood si Kiko sa Strawberry Lane, ang primetime TV show ng GMA 7 na magsisimula sa Lunes, September 15.
Seen : The who pa rin si Kristel Moreno, kahit pinag-uusapan ang kanyang controversial gown sa 8th Star Magic Ball. Mahihirapan si Kristel na mapantayan ang popularidad ng kanyang tiya na si Alma Moreno.
Scene : Mapapanood sa E! ang brand new season ng It Take Gutz to be A Gutierrez simula sa October 5. Kinunan sa Pilipinas ang mga eksena ng reality show ng Gutierrez family upang ma-promote ang mga tourist spot sa Pilipinas.
Seen : Pinabulaanan ni Ara Mina sa presscon ng TV show niya sa TV5 ang tsismis na buntis ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes. Gusto lang daw magka-baby ng kanyang kapatid pero hindi pa rin talaga ito buntis.
- Latest