^

PSN Showbiz

Hindi kumuha na mga pulitiko: Mga ninong at ninang nina Dingdong at Marian malalapit lang nilang kamag-anak at kaibigan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Puwede ko nang ikuwento na kabilang ako sa mga ninang sa church wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30.

Nagkasama-sama noong Linggo sa isang restaurant sa Bonifacio Global City ang mga ikakasal at ang kanilang invitees na ninong at ninang.

Ito ‘yung nagpasalamat ako kina Marian at Dingdong dahil sa opportunity and privilege na ibinigay sa kanila. Hindi ko pa maikuwento noon ang agenda ng pasasalamat ko dahil wala pang go-signal.

At dahil lumabas na ang complete list ng mga principal sponsor sa wedding of the year, puwede ko nang ikuwento na lumabas ako ng bahay noong Linggo para sa lunch date namin kina Dingdong at Marian.

Nakatanggap muna ako ng imbitasyon na nakalagay sa box na mala-Louis Vuitton case. Sosyal na sosyal ang imbitasyon na nag-iimbita nga sa akin para maging isa sa mga ninong at ninang. Of course, sino ba ako para tumanggi?

Touched na touched nga ako dahil hindi ko  expected na magkakaroon ako ng participation sa mahalagang bahagi ng buhay nina Marian at Dingdong.

Mga tao na malalapit at kamag-anak ng da­lawa ang mga nakahalubilo ko sa lunch date namin noong Linggo. Sila ay sina Floresfida Gonzalez, Wilma Galvante, Regine Velasquez-Alcasid, Lilybeth G. Rasonable, Maria Joycelyn Rustia, Ma. Margarita Gonzalez, Celia Rodriguez, Joyce Bernal, Maria Luisa Henson, Antonio P. Tuviera, Eduardo Gonzalez, Joel Anthony Rustia, Mac Alejandre, Ogie Alcasid, German Moreno, Mark Reyes, Randy Ortiz, Perry Lansigan, at Jose Francisco Gonzalez. Kami ang mga principal sponsor sa royal wedding nina Marian at Dingdong sa Immaculate Conception Cathedral sa December 30.

‘Globe nagpapadala ng disconnection notice kahit advance ang bayad ko’

Mama Salve, may problema ako sa Globe cell phone line ko kaya payagan mo ako na mag-emote.

Naloka ako dahil sa dalawang beses na pagpapadala sa akin ng Globe ng disconnection notice.

Hindi raw ako nakakabayad ng monthly dues ko na hinding-hindi puwedeng mangyari dahil advance ako kung magbayad ng cell phone bills ko sa Globe.

Nang tingnan ng maid of honor ko ang billing statement, nadiskubre niya na tama ang account number na nakalagay pero mali ang cell phone number dahil malayung-malayo ito sa numero ng Globe cell phone ko.

Ito ngayon ang irereklamo ko sa Globe, ang correct account number na 15299599 pero mali ang cell phone number na 0917-8276151.

Hindi ako nag-iisa, may kakilala ako na palaging nakakatanggap ng text message mula sa Globe dahil hindi raw siya nakakabayad. Ang text message mula sa law firm ng Globe ang naging susi para mabuking na ibang tao pala ang sinisingil ng telecommunications company. Nang magreklamo sa Globe ang kakilala ko, sinagot siya ng kanyang kausap na ‘yun daw ang nakalagay na telephone number sa impormasyon na ibinigay ng sinisingil na subscriber. Nairita ang kakilala ko dahil more than ten years na siya na hindi nagpapalit ng numero kaya paano ito nagamit ng hindi niya kilala na subscriber?

Wish ko lang, mabigyan ng Globe ng aksyon ang problema at reklamo ko or else, magpapaka-Smart na ako. Willing na ako na i-give up ang Globe cell phone ko kesa nakakatanggap ako ng mga nakakairita na disconnection notice dahil  responsible cell phone subscriber ako. Ayokong-ayoko na may utang ako tapos biglang sinisingil ako? Saan napapunta at sino ang nakinabang sa advance payments ko?

vuukle comment

AKO

ANTONIO P

BONIFACIO GLOBAL CITY

CELIA RODRIGUEZ

DAHIL

GLOBE

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with