^

PSN Showbiz

Panay ang pa-interview tungkol kay Billy, Nadia Montenegro kinoronahang sawsawera

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang mga batikos kay Nadia Montenegro dahil sa pagpapainterbyu niya at pakikisawsaw sa isyu ng pag-eeskandalo ni Billy Crawford sa Police Station 7 ng Bonifacio Global City noong Linggo.

Binansagan si Nadia na Sawsawera.

SCENE: Hindi na dapat magpainterbyu ang mga tao sa paligid ni Billy Crawford dahil magkakasalungat ang kanilang mga press release. Sapat na ang pag­hingi ni Billy ng paumanhin at pag-ako sa kanyang mga pagkakamali.

SEEN: Poker faced  si Anne Curtis sa It’s Showtime noong Lunes nang i-announce na hindi muna mapapanood si Billy Crawford sa kanilang show. Nakaka-relate si Anne sa pinagdaanan ni Billy.

SCENE : Si Mo Twister ang male counterpart ni Nadia Montenegro. Nakikisawsaw si Mo sa mga local showbiz issue, kahit namimirmihan na siya sa ibang bansa. Miss na miss ni Mo ang local showbiz dahil nobody siya sa Amerika.

SEEN: Madalas si Edu Manzano sa Lucky Rainbow Seafood Restaurant sa Pasong Tamo, Makati City dahil part owner siya. Nagbukas noong April 2014 ang seafood restaurant ni Edu.

SCENE: Ipinakilala kagabi ng GMA 7 sa entertainment press ang cast ng Strawberry Lane, ang drama series na magsisimula sa Lunes, September 14. Cast members ng Strawberry Lane sina Bea Binene, Joyce Ching, Kim Rodriguez, Kiko Estrada, Jeric Gonzales, at Jake Vargas.

SEEN: Maligaya sina Roderick Paulate at Amy Perez dahil nagdesisyon ang ABS-CBN management na ibalik sa telebisyon ang The Singing Bee na nagkaroon ng season break noong August 29. Muling mapapanood ang  The Singing Bee simula sa September 16.

AMY PEREZ

ANNE CURTIS

BEA BINENE

BILLY CRAWFORD

BONIFACIO GLOBAL CITY

EDU MANZANO

NADIA MONTENEGRO

SINGING BEE

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with