Dading lumayas
MANILA, Philippines - Susubukang magkaayos nina Joemer ( Benjamin Alves) at Beth (Glaiza de Castro). Maiisip ni Joemer na baka naman naromanticize lang niya ang muli nilang pagkikita ni Beth lalo pa’t may anak sila. Hirap na hirap naman si Carding (Gabby Eigenmann) sa sitwasyon. Sinusubukan ni Beth na bumawi sa kanyang mag-ama pero dahil may lamat na ang kanilang pagsasama, naipaparamdam niya kay Beth ang galit niya. Halos gabi-gabi nagkakaiyakan ang mag-asawa.
Isang araw, hindi na kakayanin ni Carding na makasama si Beth sa iisang bubong. Pupuntahan nito si Neneth (Mymy Davao) kasama si Precious (Zarah Mae Deligero). Doon muna sasaglit ang mag-ama. Ibuhos ni Carding ang sama ng loob kay Beth.
Hindi kakayanin ni Beth na wala sa tabi niya ang kanyang mag-ama. Susunod ito kina Neneth para makipag-usap kay Carding pero si Neneth ang haharap sa kanya. Galit na galit si Neneth kay Beth. Pagtutulakan ni Neneth si Beth para umalis na ito. Walang magagawa si Carding.
Lahat nang ‘yan at marami ang iba pang mga eksenang aabangan sa seryeng Bading na isa sa mga pinakakasubaybayang serye sa hapon ng GMA.
- Latest