^

PSN Showbiz

Nagka-phobia sa pipitsuging motel komedyanteng beki nahulugan ng ceiling fan habang nagbibiyahe papuntang langit kasama ang napik–up na lalaki sa mall

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na makatipid ay nagastusan pa ang isang kilalang beking performer nang makahagip siya ng isang macho at guwapong lalaki sa isang mall.

May kabaratan kasi ang beki, hanggang maibababa niya ang presyo ng mhin ay talagang gagawin niya, gusto niyang lumigaya pero ayaw niya namang gumastos nang malaki.

Bakal boy ang pinik-ap niya, nagkasundo sila sa presyong gusto ng lalaki, nag-check-in sila sa isang patakbuhing motel dahil nagtitipid nga ang bading.

“Nangyari ito nu’ng hindi pa siya masyadong kilala at maliit pa ang kinikita niya sa isang comedy bar. Walang-wala pa siya nu’n, pero kapag nagkakaroon siya ng tip sa mga customers dahil mahusay siyang magpatawa, pinepremyuhan niya naman ang sarili niya.

“Natural, dahil maliit pa nga lang ang kinikita niya, tipid-to-the-max ang beki. Pati mga kalalakihan, e, binabarat-barat niya,” pag-alala ng aming source.

Nu’ng nasa motel na sila, masayang-masaya siyempre ang baki dahil sa maliit lang na halaga, bongga ang na-pick-up niyang mhin. Nasa kalagitnaan na sila ng kaligayahan nang biglang bumagsak ang ceiling fan.

Sapul ang lalaki sa mismong mukha, tinamaan din ang beki sa likod, kaya naunsiyami ang pagbiyahe nila sa langit-langitan ng kaligayahan.

Sa emergency room ng isang ospital sila bumagsak, ipinagamot naman ng beki ang mhin, pero hindi niya na kinayang baratin pa ang bayad sa ospital.

Rebelasyon ng aming source, “Mula nu’n, nagka-phobia na siya sa mga motel. Baratsina pa rin siya sa mhin, pero mas magandang lugar na ang pinagdadalhan niya sa lalaki.”

May kapangalang cartoon character ang bumibidang komedyante sa kuwento. Umangat ang kanyang pangalan nu’n sa pagkokomedya pero mabilis din siyang nawala sa gitna ng aksiyon.

Tinalo ng alak Billy negatibo sa drug test

Napabalita ang biglang pagpasok ng isang aktor-TV host sa kusina ng isang kilalang restaurant. Nakahubad ang male personality, nagtatago sa ilalim ng mesa, may nagtatangka raw pumatay sa kanya.

Kailan lang ay isang komed­yante na naman ang nagtangkang tumalon sa bintana ng isang motel, inaatake ng depresyon ang lalaki, gusto na raw nitong tapusin ang kanyang buhay.

Nu’ng Linggo nang madaling-araw naman ay nagwala ang lasing na lasing na si Billy Joe Crawford, boluntaryo siyang nagpakulong para raw wala siyang masaktan, nang mainip ay sinipa niya ang salaming pintuan ng presinto.

Kahapon itinakda ang pag-inquest kay Billy Joe, apat na kasi ang kailangan niyang panagutan, lahat ng ‘yun ay dahil lang sa sobra niyang kalasingan.

Negatibo sa paggamit ng droga ang international singer-TV host, meron lang daw siyang pinagdaraanan, pagod na pagod na rin daw siya at normal lang sa isang taong napapagod na ang sumabog paminsan-minsan.

Pansamantalang namahinga sa gitna ng mga balita si Baron Geisler na sabi’y umiinom pa rin pero disiplinado na. Wala talagang magandang nagagawa sa tao ang sobrang pag-inom, ang paglalagay ng alak sa ulo, sa halip na sa tiyan.

Hindi basagulero si Billy Joe Crawford, makulit lang siya, pero dahil sa sobrang paglaklak ay indulto ang kanyang kinasadlakan.

Sabi ng mga manginginom, may pagkakataon daw na sa halip na ang umiinom ang umuubos sa alak ay siya ang inuubos ng inuming nakapagpapakapal ng mukha, kaya kapag nararamdaman na ng umiinom na tinatalo na siya ng ispiritu ng alak ay kailangan na niyang huminto.

At magulo lang daw ang utak ng lasing pero alam na alam pa rin niya ang kanyang mga ginagawa.

BARATSINA

BARON GEISLER

BILLY JOE

BILLY JOE CRAWFORD

ISANG

LANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with