^

PSN Showbiz

Young actor naka-leather jacket kahit tirik na tirik ang araw

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Sa presscon ng isang pelikula ay nagtatawanan ang ilang reporter dahil nakasuot ng leather jacket ang isa sa mga bida gayung kay init-init ng panahon.

Sabi tuloy ng baklitang reporter: ‘‘Feeling siguro niya ay sikat siyang action star.”

Nang matapos ang presscon ay nakita nilang sumakay sa kanyang kotse ang aktor at ‘di pa rin hinuhubad ang jacket gayung matindi ang sikat ng araw.

Wenn, feeling bagong direktor

Isa sa pinakamagaling na director si Wenn Deramas sa kanyang heneras­yon at halos lahat nang ginawa nitong pelikula ay blockbuster gaya ng Tanging Ina film franchise, Mula Sa Puso (The Movie) Boy, Bakla, Tomboy at marami pang iba. Lilihis muna sa nakagawiang comedy ang director dahil natapos na niya ang horror movie na Maria Leonora Teresa.

Ano ang pakiramdam niya?‘‘Feeling ko nga bago akong director. Mas mahirap ang horror kaysa comedy da­hil sa pelikulang katatawanan maaga akong natatapos. Sa horror hi­hinta­yin mo pang gu­mabi para makapag-shoot ka at kailangan ay wala kang mami-miss na de­tal­ye. Mabuti na lang at sinupor­tahan ako ng ABS-CBN.”

Magpapahinga mu­na sa comedy si Zanjoe Marudo dahil gaganap itong baklang titser na adoptive parent ni Leonora sa pelikula ni Direk Wenn.

vuukle comment

ANO

BAKLA

DIREK WENN

MARIA LEONORA TERESA

MULA SA PUSO

SHY

TANGING INA

WENN DERAMAS

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with