^

PSN Showbiz

Sakit sa atay ni Boy Abunda nakuha sa street food!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natuwa ako nang mabasa ko ang article kahapon ni Papa Ricky Lo tungkol kay Boy Abunda na nagbabakasyon at nagpapalakas sa isang beach resort.

Ayon kay Papa Ricky, masigla na uli ang boses ni Boy na malinaw na indikasyon na mabuti na ang kanyang kalagayan matapos sumailalim sa operasyon.

Ang sabi ni Boy, nakuha niya ang kanyang sakit sa liver dahil sa pagkain ng mga street food. May important lesson na matutunan sa karanasan ni Boy, na hindi mabuti sa katawan ang mga pagkain na nabibili sa tabing kalsada. Iba pa rin kung lutong bahay o tiyak na malinis ang ating mga pagkain.

Marami ang kaso ng hepatitis illness dahil sa pagkain ng mga street food. Masuwerte pa rin si Boy dahil hindi siya dinapuan ng hepatitis.

Gustong-gusto ko at totoong-totoo ang sinabi ni Boy na kakaiba ang lungkot kapag may mabigat na karamdaman ang isang tao at ito ang pagkakataon na tanging ang Diyos lamang ang kasama niya.

“You know, my recent experience is an eye-opener. When you are sick pala, it’s only between you and (The One Above), and it can be very, very lonely, indeed.”

Bukod sa pagkain ng street food, may kinalaman din ang stress sa naging sakit ni Boy. Sa totoo lang, over worked siya dahil sobrang sipag niya.

Pamumudmod ng application ng StarStruck VI dinumog

Hindi naman ako na-surprise nang dumating ako kahapon sa studio ng Startalk at makita ko ang mga bagets na nakapila at nag-uunahan na makakuha ng application para sa StarStruck VI. Bakit ako magugulat, eh lahat yata ng kabataan, nangangarap na mag-artista, may “K” man sila o wala?

Bilib ako sa mga bagets dahil matiyaga sila na nakapila, kesehodang mataas ang sikat ng araw. Ganyan katindi ang pangarap nila na maging contestant ng Starstruck VI at matupad ang kanilang dream na maging artista.

Sana lang, isipin ng mga bata na hindi nakasalalay sa showbiz ang kinabukasan nila. Iba pa rin kung makakatapos sila ng pag-aaral, magkaroon ng college degree at stable job.

At sa mga magulang ng mga bagets, huwag bigyan ng ilusyon ang inyong mga anak na mga star material sila. Hindi lahat ng mga guwapo, magaganda, at talented eh pang-showbiz. Marami ang mga magaganda at talented na artista pero walang career!

Nova dasal lang ang hinihingi para sa kapatid na si Tia Pusit

Si Nova Villa ang nagsalita tungkol sa maselan na karamdaman ng kanyang kapatid na si Meng na kilala sa showbiz bilang Tia Pusit.

Bakas sa mukha at boses ni Mama Nova ang nararamdaman na lungkot dahil sa pagsubok na pinagdaraanan ni Tia Pusit na every other day ang dialysis treatment.

Humihiling si Mama Nova ng mga dasal para sa pagga­ling ni Tia Pusit. Para kay Mama Nova, Thy will be done.

Mga abo ni Mark pinaghati-hatian na ng pamilya, isasaboy ang iba sa Bataan

Pinaghati-hatian ng Eigenmann family ang cremated remains ni Mark Gil na sumakabilang-buhay noong September 1 dahil sa liver cancer.

Isasaboy naman sa isang beach sa Bataan pro­vince ang bahagi ng cremated remains ni Mark dahil ito ang kanyang mahigpit na bilin bago binawian ng buhay. Paborito pala ni Mark ang beach resort sa Bataan dahil dito niya ipinagdiriwang ang mga mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay.

BOY

BOY ABUNDA

DAHIL

MAMA NOVA

MARAMI

MARK GIL

ONE ABOVE

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with