^

PSN Showbiz

Dating kalaban ni Regine nangangailangan ng tulong, may tumor sa kidney

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ginagawa ng Startalk staff ang report tungkol kay Eva Castillo, ang singer na madalas na kalaban noon ni Regine Velasquez sa mga amateur singing contest at mapapanood ito ngayong hapon sa aming talk show na 4 p.m. na ang timeslot.

May kidney tumor si Eva at nanga­ngailangan siya ng tulong.

Isa si Regine sa mga hindi nakakalimot na magbigay kay Eva ng financial help pero inililihim niya.

Nalaman ng publiko ang  sikreto na pagtulong ni Regine dahil ikinuwento ito ng isang tao na malapit kay Eva.

Malaki ang pasasalamat ni Eva kay Regine dahil ito ang reason kaya nagkaroon siya ng showbiz career noong 2009.

‘Yun nga lang, hindi nagtagal ang singing career ni Eva dahil sa sakit na dumapo sa kanya.

Mula nang magkasakit si Eva, hindi na siya nakapagtrabaho dahil malaki ang ipinanghina ng kanyang katawan. Malaki na rin ang ipinayat ng katawan niya.

Sa tulong ng mga tao na may mabubuting kalooban, hindi nawawalan ng pag-asa si Eva na gagaling siya at makakakanta muli.

Abangan ninyo ang Startalk ngayong hapon para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa kalagayan ni Eva.

Pacman nakaka-proud panoorin sa CNN

Tunay na world class athlete si Congressman Manny Pacquiao dahil napanood ko kahapon sa CNN ang report tungkol sa presscon ng boxing fight nila ni Chris Algieri sa New York.

Proud na proud ako habang pinapanood ko ang CNN report, pati na ang video ng ringing ng closing bell nina Papa Manny at Chris sa New York Stock Exchange.

Magaganap ang boxing fight nina Papa Manny at Algieri sa Cotai Arena sa Macau sa November 22. Ngayon pa lang, nag-iipon na ng datung ang mga kababayan natin na lilipad sa Macau sa November para personal na mapanood ang pinakahihintay na laban ni Papa Manny at ng American boxer na humahamon sa kanya.

Bettina Carlos hindi na kayang banggitin ang ama ng anak

Kung hindi pa ako nagpunta sa press launch ng Indo Mie instant noodle, hindi ko malalaman na mahusay na host si Bettina Carlos.

Ang husay-husay ni Bettina na magsalita dahil klarung-klaro ang explanation niya tungkol sa product endorsement nila ng kanyang anak na si Gummy.

Yes, you read it right. Gummy ang nickname ng anak na babae ni Bettina na paborito ang Indo Mie instant noodles.

Hindi kami masyadong nagkausap ni Bettina dahil ininterbyu siya agad ng mga TV crew. Hindi ko tuloy naitanong ang name ng father ng kanyang anak.

Narinig ko na lang sa kuwentuhan ng mga reporter na tuluyan nang pinutol ni Bettina ang lahat ng kaugnayan sa ama ng bagets. Ni ayaw yata niya na napag-uusapan ang mystery guy na wala raw koneksyon sa showbiz.

Nali-link si Bettina kay Raymart Santiago dahil nagkasama sila sa isang teleserye. Nang matapos ang TV show, nagwakas na rin ang mga tsismis tungkol  sa alleged love affair ng dalawa pero may ilang tao pa rin na pilit na iniuugnay sila.

Nalaos na bold star nanggagamit para mapansin

Hindi ako affected sa paninira ng isang nalaos na bold star. So what kung nilagyan niya ng sungay ang picture ko?

Hahayaan ko na magngitngit sa inggit ang has-been bold star dahil kung may dapat tubuan ng sungay, siya ‘yon dahil sa mga paninira niya sa kapwa. Imbes na mairita, paiiralin ko na lang ang awa sa kanya. She’s so pathetic and soo kulang sa pansin. Pati ako, ginagamit niya para mapansin siya. Sino ngayon ang loser?

BETTINA

BETTINA CARLOS

CHRIS ALGIERI

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DAHIL

EVA

INDO MIE

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with