^

PSN Showbiz

BIR commissioner Kim Henares, papangalanan ang mga artistang sangkot sa tax issues sa Face the People!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ngayong araw (Setyembre 5) sa Face the People, sasagutin ng kontrobersyal na BIR Commissioner na si Kim Henares ang mga isyung ipinupukol sa kanya at sa pangongolekta ng buwis sa bansa.

Kilala bilang isa sa pinakamatatapang na babae sa pamahalaan ngayon, iginiit ni Commissioner Henares na ang buwis ay kinokolekta para sa mga serbisyong pampubliko ng bansa. Dumipensa rin siya sa mga taong nagagalit sa kanya. Ayon kay Henares, ginagawa niya lamang ang trabaho niya.

“Huwag ako ang sisihin n’yo kundi ‘yung mga congressmen at mga senador na gumagawa ng batas na ito,” dagdag pa niya.

Samantala, matapang na humarap naman ang TV at radio personality na si Benj Felipe sa BIR commissioner at sinabing hindi dapat ang mga nag-hihirap mag-trabaho ang mag-dusa sa napakalaking buwis.

“Bakit kaming mga uring manggagawa ang dapat magdusa sa pagbabayad ng buwis kung hindi ninyo kayang habulin ang mayayamang nasa itaas at ‘yung mga nasa ibaba.”

Emosyonal rin ang ukay-ukay store owner na si Merly Castro at sari-sari store owner na si Janet Hidalgo nang makaharap si Comm. Henares. Daing nila: “May mga anak kaming pinapaaral at kakarampot lang ang kinikita ng aming mga mister bilang construction worker. Paano na ang kinabukasan namin?”

Mahabag kaya si Commissioner Henares sa kanila o mananatili itong matapang sa paninindigan sa batas at kanyang prinsipyo? Tutukan yan sa Face the People, 10:15 a.m. sa TV5!

 

AYON

BENJ FELIPE

COMMISSIONER HENARES

FACE THE PEOPLE

HENARES

JANET HIDALGO

KIM HENARES

MERLY CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with