Selebrasyon ng buhay ni Mark naging pribado
Hindi na umabot sa kanyang ika-53 na kaarawan ang award-winning actor na si Mark Gil (Raphael John de Mesa Eigenmann) na binawian ng buhay nung nakaraang Lunes, September 1, 2014 ganap na ika-8 ng umaga. Sa September 25 pa sana siya magpi-fifty-three.
Si Mark na may Spanish-Swiss-German descent ay pangalawa sa tatlong anak ng dalawang showbiz veterans na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Ang dalawa pa ay sina Michael de Mesa at Cherie Gil. May anim na anak si Mark sa apat na babae at dalawa sa mga ito ay kanyang pinakasalan, sina Bing Pimentel at Maricar Jacinto. Dalawa ang anak niya sa aktres na si Irene Celebre – sina Gabby at Ira, dalawa sa ex-wife niyang si Bing na sina Timothy “Sid Lucero” at Maxene, isa sa actress na si Jacklyn Jose na si Andi at isa rin sa kanyang present wife na si Maricar Jacinto na si Stephanie Cheri. Apat sa anim na anak ni Mark ay aktibo sa showbiz – sina Gabby, Sid, Maxx at Andi.
Taong 1996 nang pakasalan ni Mark ang kanyang kasalukuyang misis na si Maricar.
Si Mark ay na-diagnose ng may liver cancer noong 2012, pero pinakiusapan niya ang kanyang pamilya na ito’y ilihim sa publiko hanggang sa mag-deteriorate ang kanyang kalusugan a few months ago.
Bago sumubok sa mga contravida roles, si Mark ay naging leading man sa pelikula noon ni Vilma Santos sa Miss X (1979), Batch ‘81, Karibal Ko ang Aking Ina, Naiibang Hayop at iba pa.
Huling napanood sa telebisyon si Mark sa hit TV drama series ng ABS-CBN, na The Legal Wife at nakapag-guest din siya sa The Ryzza Mae Show ng Child Superstar na si Ryzza Mae Dizon.
Noong Miyerkules ay nagsama-sama ang pamilya at mga kaibigan ni Mark bilang pag-alala sa kanyang naging buhay.
Naging pribado ang pagtitipon sa request na rin ni Mark noong nabubuhay pa.
Finals night ng Philpop inaabangan na
Ang inaabangang finals night ng pinakalamaking multi-media songwriting competition na Himig Handog Pinoy Pop (P-Pop) Love Songs 2014 ay nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum sa darating na September 28 (Sunday) sa ganap na ika-7:30 ng gabi na magkakasamang ihu-host nina Kim Chiu, Xian Lim, at Alex Gonzaga. Ito’y lalahukan ng 15 finalist songs na magkakahalong kinompos ng mga veteran and amateur Filipino composers and will be interpreted ng mga kilalang mang-aawit ng bansa.
Ang Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 ay nasa ika-anim na taon na.
- Latest