Ruffa ginagamit ang pangalan sa pekeng diet pills; James at Nadine bibida na sa serye
SEEN : Ang pasasalamat ng Eigenmann family sa lahat ng mga dumating sa Celebration of Life ni Mark Gil sa La Salle Greenhills Chapel noong Miyerkules; We would like to thank everyone for the sincere and heartfelt expressions of support and kindness you have extended towards our family during this time of loss. We are thankful for the loving memories and photos you’ve shared with us and we will treasure them for a lifetime. It was such a comfort to know that our dear Ralph touched so many lives. Your kind words and prayers helped us to cope during this sad time. Please know that we are deeply grateful.
SCENE: Ang kaso na haharapin ni Aljur Abrenica dahil sa patuloy na pagtanggap niya ng mga show na walang pahintulot mula sa GMA Artist Center. May mga ebidensya ang GMA 7 at GMAAC laban kay Aljur dahil masipag ang handler niya na mag-post ng litrato ng kanyang mga show na malinaw na breach of contract.
SEEN: Nagbabakasyon si Boy Abunda sa isang beach resort sa Pilipinas at hindi sa ibang bansa. Nagpapagaling si Boy na mabuti bago niya balikan ang kanyang mga programa sa ABS-CBN.
SCENE: Ipinagluluksa ni Sam Pinto ang pagpanaw ni Pharell Pinto, ang kanyang 9-year old pet dog na sumakabilang-buhay dahil sa Stage 4 liver cancer.
SEEN: Ang babala ni Ruffa Gutierrez dahil ginagamit ng walang pahintulot ang kanyang pangalan sa advertisement ng isang brand ng diet pills: Whoever posted this FAKE Ad using my name & quoting me to use FAKE diet pills should be ashamed of themselves! It’s a LIE! Do not be fooled!
SCENE: Bida na ang love team nina James Reid at Nadine Lustre sa isang primetime show ng ABS-CBN. Ang Dreamscape ang producer ng James-Nadine television project ng My App Boyfie na sikat ding kuwento sa Wattapad.
SEEN: Hinahangaan si Jennylyn Mercado ng kanyang fans dahil sa pag-repost niya sa litrato ng pagkikita ng anak nila ni Patrick Garcia at ng daughter ng aktor sa babae na pakakasalan nito.
- Latest