^

PSN Showbiz

Enrique paboritong ipareha sa mga pinasisikat na teen stars

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Si Enrique Gil ang kapareha ni Julia Barretto nang siya’y i-launch sa Mirabella at ngayon naman ay siya muli ang napiling kapareha ni Liza Sobe­rano sa bagong TV series na Forevermore.  Bago sina Julia at Liza, ipinareha rin si Enrique kay Kathryn Bernardo sa The Princess and  I kung saan namang unang umusbong ang tambalan nina Katryn at Da­niel Padilla. Ipina­reha rin si Enrique kay Julia Montes sa Muling Buksan ang Puso.

Mukhang suwerte si En­rique Gil bilang paboritong leading man ng mga bagong ni-launch na teen-stars.

Kring-kring may ibang plinaplano sa 2016

Nakatakda namin ma­ging panauhin ni Kuya Germs (Moreno) ang mag-asawang Tacloban Ma­yor Alfred Romualdez at Councilor Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman sa darating na Sabado, September 6.

We find it an honor dahil bihirang mag-guest sa telebisyon ang mister ni Kring-Kring na si Mayor Alfred Romualdez who will fly all the way from Tacloban para mapagbigyan ka­mi ni Kuya Germs sa aming paanyaya.

Both Mayor Alfred and Kring-Kring are serving their final term as mayor and councilor ng Tacloban respectively. May mga lumulutang na balita na tatakbo umano sa national position si Mayor Alfred habang si Kring-Kring naman  daw ay may plano umanong isulong sa pagka-mayor ng Tacloban na unti-utni na ring nakakabangon sa pagkakalugmok sanhi ng bagyong Yolanda.

ALFRED ROMUALDEZ

BOTH MAYOR ALFRED AND KRING-KRING

CELEBRITY TALK

COUNCILOR CRISTINA

ENRIQUE

JULIA MONTES

KRING

KRING-KRING

KUYA GERMS

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with