^

PSN Showbiz

Nominado rin sa People’s Choice Stevie Awards ABS-CBN, panalo ng Gold Stevie award sa International Business Awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos magwagi sa Asia Pacific Stevie Awards, panalo ang ABS-CBN ng Gold Stevie Award sa kategoryang Company of the Year Media & Entertainment sa ika-11 na taunang Internatio­nal Business Awards (IBAs). Gaganapin ang awards night nito sa Paris, France sa Oktubre 10.

Dahil sa pagkilalang natanggap nito, dala rin ng kumpanya ang pangalan ng Pilipinas sa People’s Choice Stevie Awards for Favorite Companies sa Media & Entertainment category laban sa silver at bronze Stevie winners mula sa UK at US sa nasabing kategorya. Ang kumpanya na makakakuha ng pinakamaraming boto ang siyang bibigyan ng People’s Choice Stevie Award.

Para bumoto para sa nag-iisang Philippine media company sa kumpetisyon, pumunta lang sa favoritecompanies.stevieawards.com/default.cfm, i-click ang Media & Entertainment category, at piliin ang ABS-CBN Corporation. Magtatapos ang botohan sa Setyembre 12.

Ang IBAs ang nangungunang business awards program sa buong mundo at maaaring sumali dito ang kahit sinong indibidwal at lahat ng uri ng orga­nisasyon. Nakatanggap ito ng entries mula sa higit sa 60 na bansa ngayong taon, kabilang na ang Pilipinas.

Pinagkalooban ng Gold Stevie Award ang Ka­pa­milya network para sa mga natamo nitong ta­gum­pay noong nakaraang taon, kabilang na ang pa­mamayagpag sa TV ratings, pagtabo sa takilya ng mga pelikula ng Star Cinema, pagtaas ng kita ng kumpanya, paglulunsad ng mga bagong negosyo gaya ng ABS-CBNmobile, theme park na Kidzania Manila, at ang TV home shopping channel na O Shopping,  serbisyo publiko sa pamamagitan ng  Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na campaign para sa mga nasalanta ng Yolanda at iba pang relief at reha­bilitation efforts para sa mga biktima ng iba pang mga sakuna, at ang matagumpay na pagdiriwang nito ng ika-60 taon ng Philippine TV.

Higit sa 3,500 na nominasyon mula sa sari-sa­ring organisasyon ang natanggap ng IBAs sa halos lahat ng uri ng industriya para sa iba’t ibang kategorya, kabilang na ang Company of the Year, Website of the Year, Best New Product or Service of the Year, Corporate Social Responsibility Program of the Year, at Executive of the Year.

Ang mga nagwagi naman ng Stevie Award ay masusing pinili ng higit sa 250 na executives sa buong mundo na naging bahagi ng judging process mula Mayo hanggang Agosto ngayong taon.

ASIA PACIFIC STEVIE AWARDS

BEST NEW PRODUCT

BUSINESS AWARDS

CHOICE STEVIE AWARD

CHOICE STEVIE AWARDS

COMPANY OF THE YEAR

COMPANY OF THE YEAR MEDIA

GOLD STEVIE AWARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with