Mark Gil pumanaw na
MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang beteranong aktor na si Mark Gil ngayong Lunes sa edad na 52.
Ayon sa mga ulat, liver cirrhosis ang ikinamatay ni Mark dahilan upang pumalya ang kanyang atay.
Dekada '80 nang pasukin niya ang mundo ng showbiz, kung saan pinagbidahan niya ang pelikulang Batch '81.
Nasa dugo ni Mark ang pag-aartista dahil ang kanyang magulang na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil ay nasa showbiz din.
Naipasa pa niya ito sa kanyang mga anak na sina Sid Lucero, Andi Eigenmann, at Gabby Eigenmann.
Huling lumabas sa telebisyon si Mark sa teleserye ng ABS-CBN na “The Legal Wife.”
- Latest