Coco walang oras kay KC, pero gustung-gustong makasama
Dahil marahil magkatambal sila sa Ikaw Lamang kung kaya inili-link ngayon sina Coco Martin at KC Concepcion. May nagsasabi pang nakikita silang lumalabas na magkasama sa lakaran. Subalit mariin itong itinanggi ng aktor.
“Gusto ko nga, para maka-close siya. Pero talagang walang opportunity para rito. Busy kami pareho. Bukod sa three-day-a-week taping namin ng Ikaw Lamang ay magsisimula na ako sa Feng Shui. So paano ako magkakaron ng time para makipag-date, maski na ‘yong friendly dates lang? Magsisimula na rin akong mag-promote ng Padre de Familia namin ni Ms. Nora Aunor. Kakain din ito ng oras. Wish ko na sana, makalabas kami ni KC with friends, ‘yung mga kasama namin sa Ikaw Lamang. Makakatulong ng malaki sa mga role namin kung talagang magiging malapit kami sa isa’t isa. Kaya nga nagtataka ako kung bakit may mga nagsasabing nakikita kaming magkasama. Hindi naman ito totoo. If ever, friendly outing lang siguro, hindi ‘yung romantic dates dahil alam ko, mayro’ng nanliligaw sa kanyang artista, kung hindi pa sila. Ke totoo man ito o hindi, hindi naman ako ang tipo na manggugulo ng relasyon nila,” paliwanag ng aktor na bagaman at marami ang bumoboto sa team-up nila ni Kim Chiu sa Ikaw Lamang, hindi naman napaghuhuli ang mga kinikilig sa kanila ni KC.
Megastar naka-tatlo rin sa TV5
Iniwan na ng Megastar na si Sharon Cuneta ang TV5. Biglaan ang pasyang ito ng aktres na tatlong taon ding nanatili bilang isang Kapatid actress at nakagawa ng tatlong proyekto sa network. Matatandaang si Sharon ang artista na tumanggap ng pinakamalaking talent fee sa TV5 nang lumipat siya rito mula sa ABS-CBN.
- Latest