^

PSN Showbiz

Jason at Vickie di pa rin nagkakaayos

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bagaman at hindi pa 100% na nagkakaayos ang magkasintahang sina Vickie Rushton, ang 4th big winner ng katatapos na PBB All In, at ang aktor na si Jason Abalos, malaki ang posibilidad na maayos nila ang gusot na nalikha ng pagpasok sa Bahay ni Kuya ng magandang Davaoeña na na-link sa big winner na si Daniel Matsunaga.

Dalawang ulit nang nakapag-usap ang mag­dyowa at ayon naman kay Vickie ay ma­ayos ang naging pag-uusap nila. Inamin nito na hindi niya agad-agad mabubura ang selos na naramdaman ni Jason dahil sa friendship nila ng Brapanese hunk.

“Papunta na kami dun ni Jason. Kailangan lamang ay ma­ka­pag-usap pa kaming mabuti. Dadalawang ulit pa lamang kaming nagkakausap dahil may trabaho siya at ako naman ay may mga dapat gawin makatapos kong lumabas ng Bahay, pero nag-uusap kami,” anang magandang dalaga na nagsa­bing wala naman siyang nararamdaman kay Daniel bukod pa sa pagkakaibigan nila at mahal niya at gusto niyang magkaayos sila ng boyfriend niya.

 Sa ngayon, wala pang pag-uusap na nagaganap sa pagitan nina Vickie at ng Kapamilya Network, pero sinabi nito na may pag-uusap na silang gagawin tungkol sa magi­ging trabaho niya kung saka-sakali.

Rocco bidang-bida sa Ibong Adarna

Ang swerte-swerte ni Rocco Nacino para gampanan ang bida sa Ibong Adarna: The Pinoy Adventure na idinirihe ni Jun Urbano. Kabisado ni Rocco ang istorya at pinag-aralan nila ito sa high school. Binigyan lamang niya (direk Jun) ito ng local flavor na sa halip na sa Europa ang setting ay ginawa nilang sa Cordille­ra, sa Mountain Province para mas makakarelate ang mga manonood na Pilipino sa pagpapalabas nito sa mga sinehan nga­yong Setyembre. Swerte rin ng mga batang mag-aa­ral kapag pinayagan ito ng DepEd na maipapanood sa mga iskwelahan bilang bahagi ng kanilang pag-aaral.

Bidang-bida si Rocco sa pelikula. Wala siyang leading lady, kaya solo niya ang pagbibida bagaman at malala­king artista ang kasama niyang sumusuporta sa proyekto ng ilang magkakaibigan na nagtulung-tulong para makabuo ng P22M, na siyang kabuuang budget ng pelikula. Kasama dito sina Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Benjie Paras, Ronnie Lazaro, Lilia Cuntapay, Gary Li­sing at ang dalawang ma­ga­gandang babae na rekomendado ng pamosong couturier na si  Renee Sa­lud at gumaganap ng role ng Diwa­ta at Ibong Adarna, sina Pat Fernandez at Karen Gallman.

Jessy in love na in love kay Edgar Allan

Madreng tapat sa kanyang bokasyon ang karakter na bi­big­yang-buhay ni Jessy Men­diola sa episode ngayong ga­bi sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

Mula pagkabata, pinangarap na ni Marie (Jessy) ang maging madre kung kaya’t kailanman ay hindi siya nagpaligaw sa mga lalaki. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ni Marie si Nick (Edgar Allan Guz­man), ang kanyang unang pag-ibig na inakala niyang malilimutan niya pagpasok sa monasteryo.

Tampok rin sa MMK ngayong gabi sina Vangie Mar­telle, Ka­ren Dematera, Alex Diaz, AJ Muh­lach, Lemuel Pelayo, Lloyd Samartino, Chien­na Filomena, at Kristel Fulgar. Ito ay sa ila­lim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos.

ALEX DIAZ

ALL IN

ANGEL AQUINO

ARAH JELL BADAYOS

IBONG ADARNA

ROCCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with