^

PSN Showbiz

Kailangan tuloy mag seminar Vice napahamak sa briefs at puwet ni Piolo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa brief ni Piolo Pascual, kailangan nga­yong mag-seminar at tututukan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pinamumunuan ni Chairman Toto Villareal ang show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) at maging ang It’s Showtime na napuna naman sa towel na ipinahid ni Vice sa kanyang pawisang kili-kili tapos ay ginamit ng isang dancer.

Pero isa sa binigyang diin ng MTRCB sa kanilang ginawang aksyon sa programa ng magaling na TV host/komedyante ang tungkol sa pag-amoy ng assistant ni Piolo na si Moi sa briefs ng kanyang among aktor. Nag-aartista na rin ang nasabing assistant ni Piolo.

Sa mga hindi nakapanood sa nasabing episode, heto ang kanilang naging tsikahan.

Ipinalabas ang episode na ‘yun last August 3.

VICE: ‘Pag magkasama kayo lagi ang mga damit niya inaayos mo ‘di ba? Inaamoy mo? ‘Yong totoo? Brief?

MOI: Hindi eto. ‘Di ba nang minsan galing siya ng ibang bansa, ‘pag nag-aayos ako ng bag or maleta ‘di ko alam kung ano ang madumi at ang malinis.

VICE: So magkasama-sama?

MOI: Hindi nakatiklop kasi. ‘Di ko naman siya matanong kung lalabhan ko ba o hindi. So hindi ko na siya tinanong. Inamoy-amoy ko na lang kung ano’ng malinis o madumi.

VICE: Paano? Pati brief?

MOI: Oo

VICE: ‘Yong pundilyo? Ano ang amoy?

MOI: Syempre mapanghi

VICE: Oh My God! Tao si Piolo mapanghi ang gamit na brief. Minsan may nakikita ka bang igit-igit?

PIOLO/MOI: Meron!

MOI: Handwash ko yon kasi ‘di kaya ng washing machine.

VICE : Nakikita mo siyang nakahubad (referring to Piolo)

MOI: Sabi niya, Moi pahingi ng towel. Tapos nakapatay ang ilaw, transparent lang ang salamin. Sige P. pasok ako, tapos sabi niya hindi diyan ka lang. Sabi ko hindi sasabit ko nga ang towel, kunwari lang.

VICE: Para-paraan din.

MOI: P., andito na ang towel, pero syempre nakita ko naman ang ano niya…

VICE: Ano?

MOI: Puwet! ‘Yon lang puwet lang.

VICE: Maganda ba ang puwet niya?

MOI: Oo, matigas ‘pag ginaganoon mo (while holding her butt)

VICE: Maputi? Aminin ninyo habang nagkwento siya ini-imagine din natin ang nangyayari!

Hahaha. Bakit naman kasi brief at puwet ang bida sa kanilang tsikahan.

Ayan tuloy.

Sa ginanap na mandatory confe­rence ng MTRCB, dumalo si Vice at ilang executive ng ABS-CBN.

Agad ding tinanggap ng ABS-CBN business unit head na si Reily Santiago na nagkaroon sila ng lapse sa self-regulation at pumayag sa “three-month period of close collaboration with the Board concer­ning the show’s programming in addition to the implementation of other self-regulatory measures.”

Nanghingi rin siya ng paumanhin sa mga naapek­tuhan sa ginawa ni Vice sa kanyang mga programa.

Ogie dimunog sa kanyang Throwback…

Ang saya-saya ng Throwback Thursday concert ni Ogie Alcasid. Grabe parang sabik na sabik ang mga nanood ng concert sa mga kinamulatan nilang kanta noong 80s-90s.

Kaya naman ang level of energy ni Ogie, ang taas-taas, parang hindi galing sa tatlong araw na sakit. Yup, nadale siya ng sakit bago ang ginanap niyang birthday concert sa Music Museum. Kaya naman sa simula ng concert ay alam mong nagkasakit siya, pero sa kalagitnaan, nagsisimula na siyang pawisan kaya parang nagasolinahan ang kanyang katawan - itinodo na niya.

Dahil sa traffic, hindi namin naabutan ang duet nila ni Noel Cabangon. Si Dingdong Avanzado na ang naabutan naming guest niya.

Bukod kay Dingdong, nakiawit din si Janno Gibbs na kasabayan niya sa GMA. Nagpapasa­lamat nga raw siya kay Ogie dahil kung hindi siya umalis, hindi sana siya uli magkaka-career. Nag-duet sila at pagkakanta, nag-kiss sila sa lips. Hahaha.

Isa pang aliw na guest si Jojo Alejar. Kaloka ang lambot pa rin ng katawan niya at parang ganun pa rin sa That’s Entertainment kung sumayaw. Kasama niya ang dalawang member pa ng The Tigers.

Naki-duet din ang up coming singer na Lara Maigue na mina-manage naman ni Ogie.

Pero siyempre hindi kumpleto ang Throwback Thursday kung wala si Mrs. Ogie Alcasid, si Regine. Very throwback din ang kanyang kinanta hanggang mag-duet sila.

Kaya lang na-bother ako na medyo nadagdagan ang timbang ni Songbird. Medyo na emphasize kasi dahil sa suot niyang damit. Tapos naka-heels pa siya na halos five inches siguro ‘yun kaya nagmukha siyang mas malaki talaga kay Ogie. Eh maliit lang kasi ang Music Museum kaya sipat nang sipat ang mga nanood sa suot na damit ni Regine.

Anyway, pagkatapos ng duet nila ni misis, super hataw na si Ogie. Tala­gang nagparticipate na ang audience sa pagsayaw habang kumakanta ng mga throwback songs si Ogie. Relate na relate ang mga nanood sa kanta ni Rick Ashley at marami pang iba.

Hindi pumayag ang audience na tapusin agad niya ang concert kaya naman nakailang encore si Ogie.

At ang nakakaloka, nagkakagulo ang fans sa pagpapa-picture kay Ogie kahit nasa stage siya at kumakanta. Lahat talaga nagpapa-picture. Literal na dinumog siya.

Nangangamoy repeat ang concert dahil sa sobrang tagumpay nito. May market kasi talaga ang throwback dahil working at bumibili ng tickets ang audience nito.

Congrats and happy birthday Ogie.                        

MOI

NIYA

OGIE

PIOLO

SIYA

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with