^

PSN Showbiz

Bakla at tomboy na anak napariwara nang hindi matanggap ng mga magulang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matatanggap mo ba ang isang anak na bakla? Paano kung may anak ka rin na tomboy?

Para sa mag-asawang sina Manny at Mia Humawid, isang sumpa ang ibinigay sa kanila ng Panginoon nang malaman nilang isang bakla ang kanilang panganay, at isa namang tibo ang kanilang pangatlong anak. Gagawin nila ang lahat para ituwid ang kanilang mga anak, sa pag-aakala na magagawa nga nila ito, pero imbis na umayos ang buhay ng mga anak, lalo pa itong  masisira.

Mapapahinto si Patrick sa pag-aaral dahil sa kagustuhang kumayod, nang makuhang muli ang pagmamahal ng mga magulang. Habang si Mary Rose naman ay mapapasama sa barkadang bad influence sa kanya.

Ibubuhos nina Manny at Mia ang kanilang pagmamahal sa kanilang normal na anak, si Senia, pero maging ito ay mapapariwara dahil naman sa pagiging spoiled sa kanila.

Matututunan ba nina Manny at Mia kung paano ang tamang pagiging magulang? May tama bang paraan ng pag-aaruga sa anak? At maaayos ba nila ang kanilang pamilya bago maging huli ang lahat?

Itinatampok sina Rodjun Cruz, Colleen Borgonia, at Joyce Ching, at sa espesyal na pagganap nila John Arcilla at Shamaine Buencamino.

Mula sa direksyon ni Joel Lamangan, abangan ngayong Sabado sa Magpakailanman ang isang nakaaantig na kuwento ng isang pamilyang aaralin ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig at pagmamahalan, pagkatapos ng Marian sa GMA-7.

Ngayong Sabado na!

Couples, hahamuning magpakasal sa kanilang unang pagsubok

 Masusubukan na sa kauna-unahang pagkaka­taon ang tatag ng samahan ng siyam na couples sa Kapamilya realiseryeng I Do sa pagsisimula nito ngayong Sabado (Agosto 30), kung saan hahamu­nin silang magpakasal nang hindi kinokonsulta ang isa’t isa.

Sa pangunguna ng host at council member na si Judy Ann Santos-Agoncillo, bigla na lamang sa­­sabihin sa kanilang kailangan na ni­lang magpasya kung handa na silang mag-isang dibdib, isang hamon upang mas makilala nila ang isa’t isa.

Gagawa ng tensyon ang naturang challenge lalo pa’t mangangamba ang couples kung ano nga ba ang magiging desisyon ng kani-kanilang ka­sintahan. Sino ang magda­da­lawang isip at sino ang magsasabi ng “I do”? Paano nito maa­apek­tu­han ang kanilang pagsasama?

Kilalanin at silayan ang love stories ng engaged couple at 11 taong magkasintahan na sina Carlo at Kara; sina Chad at Sheela na dating magkapitbahay at pitong taon nang magkarelasyon; sina Chris at Karen na higit isang dekada ang agwat sa edad; sina Christian at Chelsea na tatlong buwan pa lang na magkasama ngunit determinado nang magsama habangbuhay; sina Emil at Honey, ang magkasosyo sa negosyo; sina Harry at Princess na may matinding pinagdaanan ang nakaraan ; ang Koreano at Pinay na sina Jimmy at Kring; ang mga Dabawenyong sina Kaiser at Jza-Jza na high school sweethearts; at ang batang couple na sina Miko at Marie na may anak na.

vuukle comment

ANAK

COLLEEN BORGONIA

I DO

ISANG

JOEL LAMANGAN

KANILANG

SHY

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with