^

PSN Showbiz

Dyan Castillejo kailangan ng sunblock para mapigilan ang pangungulubot ng mukha

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Mga nakiki-ice bucket challenge dapat din siyang tulungan, Tiya Pusit may aneurysm, walang perang pangpa-opera

SEEN: Charity begins at home. Si Tiya Pusit ang dapat tulungan ng mga artista na sumali at sasali sa ALS Ice Bucket Challenge para masubok ang sincerity nila sa pagtulong sa kapwa at hindi sila maakusahan na mga hayok sa publicity.

SCENE: Ang panawagan ni Ogie Alcasid na tulungan si Tia Pusit ng mga tao na may mabubuting kalooban: Let’s help Tiya Pusit. She has been in the hospital for one month now and has no money to pay for her operation. She is suffering from aneurysm.

SEEN: Ang hiling ng mga Chinese kay House Representative Manny Pacquiao na i-train niya ang mga Chinese boxer nang pumunta sila ni Chris Algieri sa Shanghai para sa promo tour ng kanilang boxing match sa Macau sa November 22.

SCENE: Dapat nang gumamit ni Dyan Castillejo ng sunblock/sunscreen upang mabawasan at mapigilan ang maagang pangungulubot ng kanyang mukha.

SEEN: Magkakaroon na ng teleserye sa ABS-CBN ang PBB All in housemates na sina Loisa Andalio at Joshua Garcia.

SEEN: Ang nakakaaliw na teaser ng English, Only Please, ang pelikula nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

SCENE: Nabigo si Kobe Paras at ang kanyang Batang Gilas Team na makapasok sa semi-finals ng  FIBA under 18 Championship sa Doha, Qatar.

SEEN: Ang disclaimer ng administrator ng Twitter account ni Manila City Mayor Joseph Estrada  na wala silang kinalaman sa fake Twitter account na may post ng pagmumura ng dating pangulo nang maabala ang kanyang pagtulog ng mga Manileño na kinukulit siya na isuspinde ang klase dahil sa malakas na buhos ng ulan.

BATANG GILAS TEAM

CHRIS ALGIERI

DEREK RAMSAY

DYAN CASTILLEJO

HOUSE REPRESENTATIVE

ICE BUCKET CHALLENGE

JENNYLYN MERCADO

JOSEPH ESTRADA

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with