Food supplement na ini-endorso ng aktres muntik nang makabulag!
‘Yun kayang mga celebrity na nag-e-endorse ng mga food supplement, sinusubukan muna nila ang product or go lang sila nang go? As in money trip lang? Malaki rin kasi ang talent fee sa ganitong endorsement lalo na ‘yung mga sikat. At bukod sa mga sikat na artista, usung-uso na rin ang endorsement ng mga radio host sa mga food supplement pati na pambata.
‘Yung nanay ng kaopisina ko na naengganyo na gumamit ng food supplement para sa mata, naoperahan at muntik pang mabulag.
Ang kuwento : since medyo may edad na ang nanay ng officemate ko at nanlalabo ang mga mata naisip niyang uminom ng food supplement na ayon sa commercial na isang sikat na artista ang endorser ay pag uminom ka nito, magiging healthy ang iyong paningin.
Ok naman ang epekto sa una dahil nawala raw ang pagluluha ng kanyang mata at pakiramdam ni nanay ay luminaw ang kanyang paningin.
Pero hindi nagtagal ang magandang epekto nito, nagre-reklamo ito na lumalabo ang mata niya.
Nag-worry ang mga anak ni nanay kaya dinala siya sa hospital.
Lo and behold nang masilip ng eye specialist ang mga mata ni nanay, ang tataba ng catarata niya kaya malabung-malabo na ang pakiramdam nito. Nang tanungin ng doctor kung anong iniinom niyang gamot, nadiskubreng ang nasabing food supplement ang dahilan kung bakit ang lulusog ng catarata niya.
Kaya ayun inoperahan ang kawawang nanay na ang tanging kasalanan ay naniwala sa endorsement ng isang actress.
Ang cataract ay parang ulap na tumatakip sa lens ng ating mga mata na nagiging dahilan ng paglabo at common cause daw ng pagkabulag.
Kaya sa mga mahilig at gullible as in madaling maniwala sa mga ini-endorse ng mga paborito n’yong artista or naririnig sa radyo na binabanggit na ang mga food supplement ay nagpapalakas ng katawan at ang iba’y nagsasabing nagpapagaling, mag-ingat dahil nakakatakot. Baka imbes na lumakas ang katawan ninyo ay lalo kayong manghina sa gagastusin n’yo sa pagpapa-doktor.
Pinakamaigi pa ring mag-exercise at iwasan ang pagkain ng matataba. The more na masarap ang pagkain, mas unhealthy ‘yun.
Ang bottomline, wag masyadong mahilig sa masasarap para hindi na kailanganin ang mga ganitong supplement.
Kris Aquino nagkasakit, Ice Bucket Challenge baka raw hindi kinaya ng katawan
Wala si Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight last Tuesday night. May sakit ang queen of all media. “Upset stomach, threw up, body aches, headache, dizziness. Will take medicine, sip salabat with calamansi & honey & sleep,” sabi niya sa kanyang Instagram account. “Praying I’m better by tonight for A&A,” she added sa kanyang post the other day.
Pero hindi kinaya ni Ms. Kris. Nang mag-check siya ng temperature, may lagnat siya. “I wanted to be a good soldier & do the show (A&A) but my body needs rest to fight the fever,” sabi niya pa nang matuloy sa sakit.
Ang duda ng fans na nakabasa sa mga post ni Kris, epekto ‘yun nang ginawa niyang ice bucket challenge last Sunday kung saan live sa The Buzz ay nagpabuhos siya ng may yelong tubig.
Ang feeling nila na shocked ang body system ng TV host/actress since ang lamig nga naman ng ibinuhos sa kanya. Eh sobra nga naman ang kabisihan niya at malamang na nanibago ang katawan sa biglaang pagbasa lalo na nga’t parang wala siyang pahinga from New York kung saan nagbalik trabaho agad siya. Maaga ang Kris TV at medyo late naman ang Aquino and Abunda Tonight.
Isa si Ms. Kris sa mga naunang nakisali sa ice bucket challenge na kampanya para sa awareness ng sakit na amyotrophic lateral sclerosis (ALS) - lethal neurodegenerative disorder na kilala ring Lou Gehrig’s disease.
Anyway, sa mga sumasali sa ice bucket challenge, dapat muna siguro silang kumunsulta sa doctor bago sila magpabuhos ng may yelo. Maigi na ‘yung naniniguro. Kasi baka hindi n’yo kaya ang sobrang lamig ng tubig. Narinig ko na puwede raw itong maging dahilan ng atake sa puso.
Lahat ngayon nakikiuso tapos pino-post sa social media accounts nila para masabing in sila. Eh bakit hindi na lang sila mag-donate, mas makakatulong pa?
Besides ang daming problema ng bansa na puwede ring tulungan.
- Latest