Vina pinagseselos si Mariel sa mga lumang pictures nila ni Robin?!
Si Vina Morales ang pumalit kay Iza Calzado na leading lady ni Robin Padilla sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Bonifacio. Nag-meeting at nag-script reading na ang dalawa kasama ang ibang cast ng movie na tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio.
May picture sina Robin at Vina na kasama si Eddie Garcia at nabasa naming nasa cast din sina Gabby Concepcion, Joem Bascon, Jasmine Curtis-Smith, RJ Padilla, at Richard Quan.
Kay Iza unang in-offer ang role ni Ka Oryang, hindi nga lang nito natanggap ang pelikula dahil sa conflict of schedule. Kaya naman tuwang-tuwang si Vina na balikan ang paggawa ng pelikula at muling makatrabaho si Robin.
Nagpo-post si Vina sa Instagram (IG) ng old pictures nila ni Robin mula sa mga luma nilang pelikula. May mga nagagalit na fans nina Robin at asawa nitong si Mariel Rodriguez, baka raw magselos si Mariel at pag-awayan nila ni Robin ang ginagawa ni Vina na malayo naman sigurong mangyari.
Samantala, proud tita si Vina sa gold medal sa archery na napanalunan ng pamangkin niyang si Luis Gabriel Moreno. Maraming pictures ang pamangkin sa Instagram (IG) niya.
‘Kaaliw lang, sa report sa ABS-CBN, pamangkin nina Vina at Shaina Magdayao ang pagpapakilala kay Luis Gabriel, hindi binanggit na apo siya ni German Moreno. Sa report sa GMA 7, hindi binanggit sina Vina at Shaina, sabi lang apo siya ni kuya Germs.
Direk inilihim sa cast ang pagtsugi ng nagri-rate na show
Hindi na pala ma-i-extend ang isang hit soap sabi mismo ng director ng show, dahil nakahanda na ang show na ipapalit dito. Pero ang alam ng cast, extended ang show nila kaya sa mga interview, nagpahayag ng katuwaan ang mga ito.
Obviously, hindi pa sinasabi ng director sa kanyang cast na nagbago ang desisyon ng management kahit hit ang teleserye nila at gusto ng televiewers. At tama si direk dahil nakahanda na ang ipapalit na show. Masisira nga naman ang schedule ng programming ng network kung may ma-i-extend na show.
Pagsulong sa OPM mas mahalaga kay Jim kaysa sa pagwelga
Maganda ang sagot ni Jim Paredes kung bakit wala siya sa anti-pork rally sa Luneta last Monday, pero present sa presscon ng OPM o Original Pilipino Music, kung saan, in-announce ang gagawing Pinoy Music Festival.
“Because this is important thing for me, OPM is more important to me,” sagot ni Jim na isa sa mga sumusulong para makilala sa buong mundo ang Filipino music.
Sabi nito, para sumikat ang Filipino music, hindi kailangang magboses banyaga ang mga singer at sumulat ng English songs. Binigay nitong halimbawa ang mga Korean na sikat worldwide ang K-pop dahil sariling wika ang ginagamit.
Anyway, sa September 5, sa Ayala Triangle Gardens gagawin ang 1st Pinoy Music Festival. Whole day event ito, may Street Buskers, MyOPM Playlist Exhibit, EDM Street Party, at sa gabi, may concert.
Sina Ogie Alcasid, Christian Bautista, Lolita Caebon, Ruben Caballero, Bayang Barrios, Lara Maigue, Tippy Dos Santos, Abra, DJ Papi, at Noel Cabangon ang nasa listahan na magpi-perform sa concert. Marami pang singers na darating.
Kabilang ang Make It Happen Make It Makati Foundation, Ayala Land, at Bactidol sa sumusuporta sa Pinoy Music Festival. Also, Universal Records, Penshoppe, Hotel of Asia, Double Dragon, Century Pacific Food, at Max’s Restaurant.
Miguel, Bianca, Julian, at Renz maghihiwa-hiwalay na
Siguradong malungkot ang last taping day ng Niño sa September 10 dahil naging close ang buong cast at production staff sa pangunguna ni director Maryo J. delos Reyes. Kapag may okasyon, magkakasama sila kagaya sa thanksgiving mass na ginawa last Saturday sa Sto. Niño Church bilang pasasalamat sa successful run ng inspirational teleserye.
Sa September 12, magtatapos ang Niño na ang isa sa influence sa viewers ay ang Naynay Commandments na sinusunod ng mga batang viewers.
- Latest