^

PSN Showbiz

Pacman parang nalilimutan ang trabaho sa Kongreso

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Na-realize siguro ni Manny Pacquiao ang kakulangan niya ng panahon para maibigay ang sarili niya sa lahat niyang gawain kung kaya napagpasyahan niya na maging coach na lamang sa basketball muna habang hinihintay pa ang laban niyan kay Algieri.

Mr. Congressman, baka naman pinapatay mo na ang sarili mo sa ginagawa mong pagsasabay-sabay sa boxing at basketball. May TV ka pa, may panahon ka pa ba sa Kongreso? Easy lang sir. Hindi na kayo bumabata.

Kapakanan ng mga senior citizen talagang dapat palakasin

Tama lang ‘yung panukala ng author ng Expan­ded Senior Citizens Act of 2010 kay P-Noy na kung maari ay i-upgrade ang nasabing batas para mas tumaas pa ang discount na nakukuha ng ating mga nakatatanda hindi lamang sa kategoryang medikal, kundi sa lahat ng aspeto ng  buhay tulad ng pagkain, pampublikong sa­sak­yan, department stores, at lahat ng pangunahing pa­nga­ngailangan nila.

As it is, hindi naman nakukuha ng mga senior citizens ‘yung kabuuan ng diskwento na karapatan nila. Madalas ay kung ano lang ‘yung gusto ng may ari ng mga tindahan, restoran, botika, ospital, at iba pa ang nakukuha nila. Minsan din sa kagustuhan nilang makuha ang karapatan nila bilang senior citizens ay lumalabas pa silang kaawa-awa. Huwag naman!

‘Proud ako na nagbigay ng karangalan sa bansa ang apo ko’

Bakit parang mas tuwang-tuwa pa ang kaibigan kong si Vero Samio na nakakuha ng gold ang apo kong si Gabby Moreno sa sinalihan nitong sport na archery sa Youth Olympics na ginaganap sa China. Siguro dahil nakita niya ang paglaki ng mga bata na sa halip na sa showbiz ay sa ibang larangan nagbibigay sa akin ng karangalan at maging sa bansa.

If Vero can be proud of my family’s achievements, aba eh ‘di lalo na ako! Nakakahiya ngang magtatalon dahil sa edad ko, pero my family has given me all the reasons para magmalaki. Ang mga apo ko ay napalaki nang maganda ng kanilang mga magulang. Binabati ko ang anak kong si Federico Moreno at ang kabiyak niyang si Shiela Magdayao-Moreno sa tiyaga nilang magpalaki ng anak. Ipinagmamalaki ko sila sa pagiging mabuting anak sa akin at magulang sa kanilang apat na anak. Una rin ang pasa­salamat ko sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng isang masaya at nakaka-inspire na pamilya.

 

FEDERICO MORENO

GABBY MORENO

IF VERO

MR. CONGRESSMAN

SENIOR CITIZENS ACT

SHIELA MAGDAYAO-MORENO

VERO SAMIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with