15 naglalakihang pangalan sa showbiz, nag-renew ng kontrata bilang Kapamilya
MANILA, Philippines - Kapamilya pa rin ang 15 sa pinakamalalaking bituin sa Philippine showbiz matapos silang mag-renew ng kani-kanilang kontrata sa ABS-CBN kamakailan.
Ang mga bituin na ito ay kinabibilangan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, Kim Chiu, Enchong Dee, Erich Gonzales, Denise Laurel, Xian Lim, Shaina Magdayao, Sam Milby, Angelica Panganiban, Piolo Pascual, Janella Salvador, Maja Salvador, Jodi Sta. Maria, at Pokwang. Dumalo sa mga pirmahan ng kontrata ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos–Concio, broadcast head na si Cory Vidanes, Star Creatives head na si Malou Santos, chief finance officer na si Aldrin Cerrado, TV Production Head na si Laurenti Dyogi, Talent Management & Development Center Managing Director na si Mariole Alberto, at Star Magic Consultant na si Johnny Manahan.
- Latest