Trenderas ng TV5 may ibubuga sa kantahan ang mga bida
Handa na ang TV5 sa bago nilang primetime offering tuwing Sabado ng gabi, ang Trenderas na magsisimula sa September 13.
Tatampukan ito nina Isabella de Leon na nakilala bilang child star na Duday sa GMA 7 at naging title role sa Munting Anghel. Nabigyan ng malaking break si Lara Maigue na naging top 5 finalist sa PhilPop Music Festival 2013 at naging winner sa Aliw Award for Best New Female Group noong 2011 gayundin si Katrina Velarde na sumikat bilang Youtube star.
Kasama pa rin sa Trenderas sina Dingdong Avanzado, Tina Paner, at Ara Mina with Carl Guevara at Edward Mendez. Mga kontrabida sina K Brosas, Cacai Bautista, at Kitkat bilang Tres Malditas.
Konsehala Kring-Kring may blessing na ng asawa para mag-pelikula uli
Napakaganda pa rin ni Cristina ‘‘Kring-Kring” Gonzales-Romualdez na ngayon ay konsehal ng Tacloban at may bahay ng alkaldeng si Alfred Romualdez. Prayoridad ngayon ng mag-asawa ang slogan na Bumangon Tacloban matapos salantain ng bagyong Yolanda na kumitil sa maraming buhay at nagwasak ng mga ari-arian.
Humarap sa entertainment press ang mag-asawa noong Huwebes sa Patio Victoria. Sinabi ni Mayor Romualdez na nakabalik na ang mga tao sa Tacloban sa tulong ng Diyos na hindi pa rin nawalan ng pag-asa. Prayoridad din nila ang mabigyan ng masisilungan o bahay ang mga tao sa barangay at makatulong sa kanilang pangangailangan.
Sa kabilang banda hindi pa rin nagbabago si Kring Kring dahil napakaganda pa rin nito at sexy kaya may nagtanong kung hindi ba siya magbabalik-pelikula.
“Wala namang problema sakaling gumawa ako ng pelikula dahil very supportive ang aking asawa kaya lang pag-aaralan ko muna ang role na ibibigay sa akin,’’ aniya.
Magaganda rin ang mga anak nina Mayor Alfred at konsehala na sina Sofia 14 years old at si Diana na 10 years old naman.
- Latest