^

PSN Showbiz

Isasabay sa birthday ng actress kasal nina Chiz at Heart gaganapin sa Valentine’s day?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ako na-shock sa engagement nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero dahil noon pa sinabi sa akin ni Heart ang mga plano nila ng kanyang dyowa.

Biniro ko pa nga si Heart na for a change, siya ang lumuhod sa harap ni Papa Chiz at mag-beg na magpakasal na sila.

Tawa lang nang tawa si Heart sa kagagahan na suggestion ko.

No-show si Heart sa Startalk noong Sabado dahil magkasama nga sila ni Papa Chiz sa Sorsogon bilang long holiday.

Malalaman natin ang kumpletong detalye ng proposal ni Papa Chiz sa next episode ng Startalk. Siyempre, pipilitin namin si Heart na i-share niya sa Startalk viewers ang kuwento sa likod ng wedding proposal ng kanyang boyfriend.

Malay n’yo, makumbinsi rin namin na mag-guest si Papa Chiz sa Startalk. Knowing Papa Chiz, tiyak na sasabihin niya na walang kinalaman sa 2016 elections ang plano nila ni Heart na magpakasal.

May nabanggit sa akin si Heart na balak nila ni Papa Chiz na magpakasal sila sa Balesin Island.

Ewan ko lang kung matutuloy pa ang plano na puwedeng magbago, any moment, depende sa sitwasyon.

May mga nag-ala-Madam Auring at nanghula na baka mangyari ang altar date nina Heart at Papa Chiz sa February 14, 2015.

Ano ang significance ng February 14, 2015?  Ito ang 30th birthday ni Heart at wastong edad para lumagay siya sa tahimik.

Kung magkakatotoo ang mga sapantaha na ikakasal sila ni Papa Chiz sa Valentine’s Day sa susunod na taon, may anim na buwan pa ang dalawa para mag-prepare.

Abangan n’yo na lang ang Startalk sa darating na Sabado dahil pipilitin nga namin si Heart na magbigay ng additional details tungkol sa  kanyang nalalapit na pagiging Mrs. Escudero na katuparan ng  statement na si Papa Chiz ang gusto niya na makasama, forever and ever.

Nanay ni Heart inaabangan ang reaction sa engagement ng anak

Ang reaksyon ng madir ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco ang hinihintay ng lahat tungkol sa engagement ng kanyang anak kay Papa Chiz.

Nagkaroon ng hidwaan ang mag-ina dahil hindi boto si Mrs. Ongpauco kay Papa Chiz.

Kung emosyonal si  Mrs.Ongpauco, tanggap naman ng tatay ni Heart ang relasyon ng anak sa boyfriend nito na father of two.

Nagpasalamat si Heart sa kanyang ama dahil sa message nito na “Always be happy Heart love you.”

 “To my dad...thank you for loving me the way you do...” ang sagot ni Heart sa mensahe ng tatay niya.

Mama Gina pinaiyak ang mga nanood ng Magpakailanman

Marami ang pinaiyak ng episode ng Magpakailanman noong Sabado dahil sa mahusay na pagganap ni Gina Pareño bilang matandang babae na unti-unting nagiging ulyanin. Sa totoo lang, napaiyak din si Mama Gina dahil feel na feel niya ang ginampanan na karakter.

Super text si Mama Gina noong Sabado sa kanyang mga kaibigan para i-remind na siya ang special guest sa Magpakailanman.

Nagulat ang friends ni Mama Gina at ang televiewers dahil nasanay sila na napapanood siya sa mga programa ng ABS-CBN.

Libreng tumanggap si Mama Gina ng mga TV guesting sa Kapuso Network dahil wala siyang existing show sa ABS-CBN. Huling napanood si Mama Gina sa Dyesebel na natapos noong July 2014.

Elevator sa Sampaguita Events Place malaking tulong sa mga senior citizens

Senior citizen friendly ang Sampaguita Events Place ng mga Vera-Perez dahil may elevator sa gilid ng building.

Hindi lang napansin ng ibang mga reporter na nagpunta sa birthday blow out ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang elevator na malaking tulong para sa mga katulad ko na senior citizen at ayaw nang umakyat sa mga hagdan na matataas.

 

CHIZ

DAHIL

HEART

MAMA GINA

PAPA

PAPA CHIZ

SABADO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with