Andi naghahanap ng magiging tatay ng anak, wala nang kontak sa anak ni Erap
Hindi raw totoong muling nagkakamabutihan ang dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Albie Casiño. Ang aktor ang sinasabing ama raw ng anak ni Andi na si Ellie. “Walang rekindling, but we are okay. We are friends. I have forgiven him na. Okay kami talaga. I wish him the best, pero there’s no reconnecting. Walang reconnecting na nagaganap,” giit ni Andi.
Matatandaang si Jake Ejercito ang huling naugnay sa aktres pero wala raw balita ngayon si Andi tungkol sa binata. Mayroon kayang bagong nagpapatibok sa puso ngayon ni Andi? “Para sa akin, hindi siguro importante kung sino ang laman (ng puso). Basta I’m happy. I am in a good place. It’s not my priority naman eh. Whether or not there’s a guy there, I’m fine, I’m happy. I have Ellie and my family, so all good,” sagot ng aktres.
Umaasa naman daw si Andi na magkakaroon din ng kikilalaning ama si Ellie balang araw. “Of course, I wish that all the time. It would have been better if we were complete, pero that’s how I am. I’m not traditional pero okay lang naman. Para sa akin, blessing na enough that I have Ellie. So if no one else wants to share her with me, okay lang. We’re a package deal. I can’t be with someone who doesn’t accept that I have a child, or does not plan to get to know her. Kung hindi no problem, huwag na lang. For me, that’s a way to get my heart, if I see that you’re really into my daughter and not just me,” paliwanag ni Andi.
Liza todo ang paghahanda para kay Enrique
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sa telebisyon sina Enrique Gil at Liza Soberano. Nagkasama na sa pelikulang She’s The One ang dalawa at ngayon nga ay sila na ang magkapareha sa teleseryeng Forevermore.
“It’s the first time that we will be together on TV. It’s my first time to be a farm girl, ngayon boyish ‘yung role and I’m going to get down and dirty. Kasi ‘yung mga last roles ko puro pa-cute,” bungad ni Liza.
Kasama rin ng dalaga si Enrique sa pelikulang The Bet at malaki ang pasasalamat niya sa aktor sa pagiging matulungin nito sa kanya. “It’s really fun kasi he really guides kasi bago pa lang ako and he’s been working for a while. So talagang gina-guide niya ako. He helps me through the scenes. Ang saya niyang katrabaho kasi ang gaan parang kahit gabi na, he still finds ways to make people laugh,” paglalarawan ni Liza.
Sobrang pinaghandaan daw ng aktres ang kanilang bagong pelikula ni Enrique. “I had multiple workshops, voice lessons para ma-modulate ko ‘yung boses ko kasi medyo maliit nga voice ko, and I read the book and I analyze the character very well. Nag-work din ako sa tea shop for a day and nag-practice ako for the movie,” kwento ni Liza. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest