Kris may pag-asa na uli: Mayor Bistek single, hindi talaga committed kahit kanino
MANILA, Philippines - Wala pang kapalit si Kris Aquino sa puso ni QC Mayor Herbert Bautista. Aminado ang alkalde na nasa mga anak talaga niya ang concentration niya ngayon at wala munang lovelife. Pero may mga natutunan daw ang anak niya sa mga nangyari sa kanila ni Kris.
So masasabi ba niyang single siya ngayon? “I’ve always been single. I’m not committed to anyone. I’m committed to my kids, to my work, ‘yun,” klaro niyang sabi kaya tama naman pala si Kris na wala namang karelasyon ang mayor nang maging sila kaya masasabing wala siyang sinagasaan nung maging sila. ‘Yun nga lang, mas pinili ni Herbert ang mga anak kesa sa kanya.
Marami kasing naniniwala noon na sila pa ni Tates Gana, ang ina ng kanyang dalawang lumalaking anak na magko-kolehiyo na ang isa.
At naghahangad din sana siyang makasal someday. “Kulang ang panahon ngayon,” ani ng mayor na nag-blowout sa entertainment press na nag-birthday from January to September.
So puwede ba uling maging sila or maging close ni Kris : “Siguro ‘pag may panahon, wala namang problema du’n.”
Eh ano naman ang masasabi niya nang mag-guest siya sa Aquino and Abunda Tonight kung saan nag-dialogue si Kris na ‘hindi siya nanakit ng tao, damdamin lang.’ “Typical Kris Aquino ‘yun. At saka ano ‘yun, eh punch liner talaga ng babae ‘yun, eh. Ano ‘yun, eh parang give and take na batuhan. Parang si Pugo at si Patsy. Ako si Pugo, siya si Patsy,” sagot ni QC Mayor.
Wala na raw ‘yun. Katuwiran ni Bistek maliit lang ang mundong ginagalawan nila ng ex bilang pare-pareho silang nasa public service at showbiz kaya tapos na ang isyung ‘yun.
Nagpasalamat at nanghingi naman siya ng tawad sa dalawang ina ng kanyang mga anak.
- Latest