^

PSN Showbiz

Lyca may bagong talent na ipinakita

Rodel Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May survey na lumabas na nagsasabing isa ang mga Pinoy sa mga lahi sa Asya na malalakas gumastos pagdating sa shopping, pagkain sa labas, pamamasyal, pagri-relax, at pag-i-enjoy kasama ang pamilya. Hindi kasi mawawala sa mga Pinoy ang likas na pagkamasiyahin at family-oriented. Kaya sa ikalimang taong anibersaryo ng tinaguriang premier integrated entertainment and tourism destination ng bansa, ang Resorts World Manila (RWM), may natatangi silang handog na pang-world-class at magarbong anniversary party na tinawag nilang Give Me 5 para sa pamilyang Pinoy na hilig ang mag-relax at mamasyal.

Nagkaroon ng media launch ang Give Me 5 at isa si Lyca Gairanod, ang Little Superstar ni Sarah Geronimo sa nagpasaya. Ginanap ang event sa Genting Club ng RWM noong nakaraang Martes. Ilan pa sa mga nakasama ni Lyca na nag-perform para sa mga taga-media ay ang Duo Kvas na world-class professional acrobats at si Mark Mabasa (and Friends), na naging finalist ng X Factor Philippines.

Bago nagsimula ang event, pinagkaguluhan na ng media si Lyca para mainterbyu. Bibong-bibo ang itinanghal na first ever Grand Champion ng The Voice Kids ng ABS-CBN. Hindi mo aakalaing nanggaling sa hirap ito dahil sa pagiging masayahin ng batang dati lamang mangangalakal sa Cavite. Napakanatural niya sa harap ng mga kamera, hindi mo kakikitaan ng pagkahiya si Lyca sa mga nag-iinterbyu. Todo pa-cute pa ito sa mga photographer na tuwang-tuwa rin sa karisma ng batang Superstar. Marami nga ang kinilabutan nang mapanood ang kanyang galing sa pag-iyak at pag-arte sa episode last week ng Maalaala Mo Kaya ni Ms. Charo Santos-Concio. Masasabing born to become a Superstar talaga ang batang ito, dahil bukod sa magaling kumanta ay may future namang masasabi sa aktingan. Kaya naman base sa datos ng Kantar Media, ang MMK episode noong Sabado (Agosto 16) na nagtampok sa kanyang life story ang pinakapinanood na programa sa bansa noong weekend. Pumalo umano ito sa national TV rating na 38.4%.

Nagpakita pa si Lyca ng kanyang bagong dis­kubreng talento sa event ng RWM, nagpa-sam­pol itong mag-beatbox nang interbyuhin ng TV crews. Rumampa rin ito na parang modelo sa suot niyang pulang dress na kanya umanong pa­bo­­ritong kulay. Inamin ni Lyca na mahilig siyang mag-make-up, bagay na hindi niya nagagawa noon. Ang ate raw niya ang nag-aayos sa kanya pe­ro siya ang naglalagay ng lipstick sa kanyang labi.

At home na talaga si Lyca sa showbiz pero kapansin-pansin pa rin ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya. Walang interbyu ang natapos na hindi niya binati sa harap ng kamera ang kan­yang mga magulang at mga kapatid, kahit pa ka­sa­ma niya ang kanyang nanay na si Maria Nessel, tatay, at kuya sa naturang event. Isinama pa nito sa mga pabati ang kanyang mga lolo at lola pati mga pinsan.

Samantala, magsisimula ang 5-week long cele­bration ng Give Me 5 ng RWM sa August 28, sa isang libreng show, Rockin 5 sa The Plaza ng kanilang Newport Mall. Makikita muling mag-per­form dito ang Little Superstar kasama ang ibang The Voice Kids finalists na sina Darren Espanto, Juan Karlos Labajo, at Darlene Vibares. Makakasama rin nila sina Yeng Constantino, Mark Mabasa and Friends, at Princess Velasco.

Marami pang dapat abangan sa limang linggong pagdiriwang na tiyak magbibigay saya sa buong pamilya. Mayroon din silang mobile application para sa mga latest promo, i-download lang ang RWM Mobile Companion app sa Google Play Store at soon sa Apple App Store.

vuukle comment

APPLE APP STORE

DARLENE VIBARES

GIVE ME

LITTLE SUPERSTAR

LYCA

PINOY

SHY

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with