Tom Rodriguez umaming nililigawan si Carla Abellana
MANILA, Philippines – Inamin na rin ni Kapuso actor Tom Rodriguez na nililigawan niya ang ka-love team na si Carla Abellana.
“I’m trying to court her, [and] so far so good,” wika ni Tom kay Lahr Santiago ng GMA News.
Na-link sa isa’t isa ang dalawa kasunod nang success ng kanilang primetime drama “My Husband’s Lover” at lalo pa itong tumindi matapos nilang mahiwalay sa kani-kanilang mga dyowa.
Dating boyfriend ni Carla si Geoff Eigenmann, habang ex-girlfriend naman ni Tom si K-La Rivera.
Nagkasama na rin sa pelikulang “So It’s You” sina Tom at Carla.
Samantala, date ni Carla si Tom sa premier night ng pelikula niyang “Somebody to Love” nitong kamakalawa.
“Kung gusto nilang mag-hope, mag-wish or mag-dasal kung natutuwa wila…at least mayro’n kaming kahit papaano napapasayang tao,” pahayag ni Carla sa reaksyon ng mga fans nila.
- Latest