^

PSN Showbiz

Proud lolo ako sa pagpili kay Gabby sa Summer Youth Camp Olympic Games, marami na siyang nauwing medalya

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Good luck ang ipinaaabot ko sa aking apong si Luis Gabiel “Gabby” Moreno na kasama sa mga atleta na ipinadala sa Nanjing, China para sa Summer Youth Olympic Games 2014. Sana napanood n’yo ‘yung coverage ng TV5 ng nasabing  sports event dahil ang apo ko ang nagdala at nagwagayway ng bandila ng Pilipinas. Napapaiyak ako sa sobrang saya.

Pero hindi ito first time ng apo ko na makasali sa mga international competitions sa archery. Bata pa siya ay talagang nagpakita na siya ng talent sa sport na ito. Madalas ang anak kong si Federico ang nakakasama niya sa pag-alis niya. Sa mom niya kasing si Shiela naiiwan ang panga­ngasiwa ng mga Ystilo Salons kapag umaalis silang mag-ama. Marami na ring medalya na natamo sa archery si Gabby.

Kris kulang ‘pag wala si boy

Pagaling na pala ang magaling na TV host na si Boy Abunda na sumailalim sa isang operasyon sa kanyang atay. Sobra ka­sing sipag ni Boy kaya baka minsan napapabayaan na ang sarili. Pero natutuwa kami sa mabilis niyang recovery. Ba­ga­man at nakakayang itaguyod ni Kris Aquino ang kanilang programa, iba rin kapag wala si Boy. Kaya, get well, Boy and see you again, soon!

Manny hindi na dapat pangalanan ang mga nakarelasyon, mga nanahimik na

Sana hanggang sa pagbanggit na lamang ng kan­yang mga nakarelasyon umabot ang pagiging ma­­­tapat ni Manny Pacquiao sa kanyang asawa at sa kanyang sarili ngayon. Huwag na niyang banggitin pa ang kanilang pangalan para naman mapa­nga­lagaan din sila dahil may mga pamilya na rin sila ngayon at ma­tahimik na sa kanilang buhay.

vuukle comment

BOY ABUNDA

KRIS AQUINO

PERO

SANA

SHY

SUMMER YOUTH OLYMPIC GAMES

YSTILO SALONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with