^

PSN Showbiz

Aktres umamin Piolo at Sam magkaribal kay Shaina

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ang haba-haba naman ng buhok  ni  Shaina Magdayao. Lumabas din ang totoo na manliligaw niya sina Piolo Pascual at  Sam Milby, pero kung bakit bantulot ang dalawa na ituluy-tuloy ang panliligaw nila sa kanya ay wala siyang masabi. Mas gusto ni Shaina na ang dalawa na lamang ang magsalita ng tungkol dito at baka kung sa kanya raw manggaling ay  maitanggi pa nila siya at masabihang presumptuous.

Walang maipipintas ang aktres sa kanyang dalawang manliligaw. Pareho silang mabait at naniniwala siyang ang trabaho lamang nila ang hadlang para lalo silang magkakilanlan. Sa pagpirma niyang muli ng kontrata sa ABS CBN, makakaasa siya  na magiging abala rin para maharap ang kanyang love life.

Matapos sumemplang ang pinupuri niyang pelikula

Eugene mag-Aaral sa Espanya!

I’m sure marami ang malulungkot, manghihinayang na for a time (sana) ay hindi natin mamamalas ang talento ni Eugene Domingo sa pelikula at maging sa telebisyon. Nagpasya itong iwan sumandali  ang kanyang pag-aartista para pumunta ng bansang Espanya at magpakadalubhasa sa Spanish Literature.

Sinabi ng magaling na aktres na ang huling pelikula na maiiwan sa mga manonood ay ang The Barber’s Tales na ilang panahon din niyang sinundan-sundan sa mga film festival na sinalihan nito sa abroad pero nang ipalabas dito sa atin ay hindi tinangkilik.

Mukhang napagod siya ng kasusunod sa kanyang pelikula na proud siyang nakapag-uwi ng best actress award at ganundin ang direktor nitong si Jun Lana pero hindi nga pinanood ng ating kababayan.

Sa bansang Espanya na kung saan ay mag-aaral siya ay natalo siya sa pagka-best actress. Si Jun Lana lamang ang nanalo bilang best director.  Pero si Uge ang unang tatanggi sa ganitong kaisipan.

“Talaga lamang gusto kong mag-aaral pa. And I’ve always been fascinated with Spain, its language, its people, and culture,” pa­li­wanag ng aktres na kumukuha sa kasalukuyan ng crash course sa Spanish language.

Pagkaka-evict ni Joshua maraming natuwa

Baka lang first time sa PBB na magkaroon ng apat na winners na pawang mga ba­bae. Sa pagka­ka-evict kay Joshua, iniwan nitong mag-isang la­la­ki sa PBB house  si Daniel Ma­t­suna­ga na malamang din ay ma­tanggal dahil sa hindi ma­gan­­dang resulta ng kanyang ac­ting challenge. Hindi rin naman ma­ganda ang naging pag-arte ni Vickie, pero mas may opor­tunidad ito na mapag-aralan ang craft dahil mas magaling siyang mag-Tagalog kaysa sa Brazilian Japanese hunk.

With Joshua out of the way, parang mas lumaki ang tsansa ni Jane na mapasama sa Big 4. Maramimg manonood ang naniwalang hindi naging magandang impluwensya sa kanya ang mas na­kababatang housemate. With him out of the way mas makakapagpokus na ang celebrity housemate na natalbugan naman si Daniel sa hu­ling bilangan ng text votes. But with only  a few days to go bago mag-finale ang reality show, hintay na hintay na ang mga manonood sa magiging hangganan ng programa. Sigurado nang pasok sa apat sina Maris at Loisa pero sino kina Daniel, Vickie, at Jane ang maiitsapwera? Dyararan! Abangan…

Isabelle at Matteo bigay na bigay sa kanilang love scene

Kung sexy ang landas na tinahak ni Gloria Diaz nung pumasok siya sa pag-aartista, kaparehong landas din ang tinatahak ng kanyang anak na si Isabelle Daza na kung hindi seryoso sa kanyang pag-aartista nung nagsisimula pa lamang ay 100% ang turn about para ipamalas ang kanyang pagiging seryoso sa kanyang trabaho.

Kung nagpamalas ng kaseksihan ang Dabar­kads ng Eat Bulaga sa mga unang pag­sa­lang niya sa pag-arte, seksi ‘din siyang muli sa Somebody to Love dahil kinopo niya ang pagpapaseksi na dapat ay gawin din ng ng mga kasamahan niyang babae sa pelikula, tulad nina Carla Abellana at Iza Calzado, pero sa kanya halos naiatang na lahat.

‘Yung mga maiinit na eksena nila ni Matteo Gui­dicelli ay sinasabing baka pagselosan ni Sarah Ge­ronimo pero si Matteo mismo ang nagsabi na malawak ang pag-iisip ng girlfriend niya sa trabaho nila.

“Magkakilala na kami ni Isabelle bago pa kami nag-artista. Isa ang grupo na ginalawan namin kaya wala nang ilangan sa aming mga role. And they were just roles. Kung meron akong girlfriend ay may boyfriend din naman si Isabelle na nagtitiwala sa kanya, na trabaho lang ang lahat. Walang dapat ika­bahala o ikaselos,” paliwanag ng aktor na kasama ni Isabelle ay gumanap bilang friends with bene­fits sa pelikula ng Regal Films na nasa direksyon ni Jose Javier Reyes.

BRAZILIAN JAPANESE

CARLA ABELLANA

DANIEL MA

ESPANYA

KANYANG

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with