^

PSN Showbiz

Paolo may lumabas na naman, pero meron pang mala-porno na sex video

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos ng halos araw-araw na pag-ensayo at pagtakbo ni Enzo Pineda, ipakikita na sa publiko ang ipinagmamalaki niyang seksing katawan sa Sunday All Stars.

Isi-celebrate ni Enzo ang kanyang kaarawan sa SAS mamayang hapon at magkakaroon ito ng da­ring at seksing production number kasama ang iba pang Kapuso hunks.

PAK: Hindi pa ganun kakumportable ang bagong engaged na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pag-usapan ang tungkol sa pre-nuptial agreement.

Pero tanggap naman nilang kailangan nilang pag-usapan iyun, pero hindi pa raw muna sa nga­yon.

“Yes, definitely, it’s part of our agenda that we have to finalize, ‘yung ganung aspeto,” pahayag ni Dingdong.

Pero nilinaw naman nilang dalawa na hindi problema sa kanila ang pera.

BOOM: Nanatiling tahimik pa rin si Paolo Be­dio­nes sa bago na namang sex video nito na nagsisimula na namang kumalat.

Ang pagkakaalam namin, 4 parts ang sex video na iyun kasama ang ‘di pa nakikilalang babae. Kaya nga pornong-porno ang dating nito na kung saan nagpakita si Paolo ng galing sa kama.

Nasilip din namin ang isa pang sex video na kung saan kaulayaw ang dating miyembro ng Baywalk Bodies. Kaya inaasahang lalabas pa rin ‘yan.

Pero ayaw nang magbigay ng pahayag ang kam­po ni Paolo dahil nasa NBI at PNP na raw ‘yan kung paano nila makontrol ang pagkalat nito.

Nandiyan pa rin ang suporta ng TV5 kay Paolo.

vuukle comment

BAYWALK BODIES

DINGDONG DANTES

ENZO

ENZO PINEDA

KAYA

MARIAN RIVERA

PAOLO BE

PERO

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with