Panganay ni Geneva na si Heaven, nagbabanda na rin
Nakakatuwang makita sa Internet si Geneva Cruz na may larawang kuha sa graduation sa high school ng kanyang 18 taong gulang na anak na lalaki na si Heaven Arespacochaga sa sikat na drummer noon na si Paco Arespacochaga. Bukod kay Heaven at sa isa pang anak na babae ni Geneva na nagngangalang London, kasamang nakipagdiwang sa graduation ni Heaven ang biological father niyang si Paco at ang ex ng kanyang mom na si KC Montero na mas matagal nakasama ni Heaven sa paglaki niya hanggang sa magdiborsyo ito at ang kanyang ina.
Parehong malapit sa dalawa niyang ama ang panganay ni Geneva na nagbabalak kumuha ng nursing sa kolehiyo. Bukod sa kanyang pag-aaral, pinagkakaabalahan ni Heaven ang pagiging drummer niya ng isang LA based band na nagngangalang Mad Minute.
Tinanggap na lang: Pacman ‘di na mapagsabihan si Mommy D.
Wala naman palang reklamo si Manny Pacquiao sa pagkakaro’n ng boyfriend ng kanyang ina na si Mommy Dionisia na mas bata rito ng mga 20 taon. Bagaman at nung una ay talagang tutol siya sa pakikipagrelasyon nito, later on ay pumayag na rin siya at hinayaan ito. Alam naman niyang sa pakikipag-boyfriend lang ang magiging hangganan ng kanilang relasyon dahil hindi pa naman legal na nahihiwalay ang kanyang ina sa asawa nito. Isa pa, hindi talaga niya masasawata ang ina gustuhin man niya dahil may sariling isip ito. Ang magagawa na lamang niya ay pagsabihan ito. Tanggapin man ito at hindi ng kanyang ina ay nagawa na niya ang obligasyon niya rito bilang anak.
- Latest