^

PSN Showbiz

Lyca sasabak na sa aktingan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itatampok sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ang nakaaantig na life story ng kauna-unahang grand champion ng The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod. Sa episode na eere ngayong Sa­bado (Agosto 16) ay gagampanan ng siyam na taong gulang na singing champ ang kanyang sarili.

Bilang paghahanda para sa kanyang unang pag­ganap sa TV, sumailalim si Lyca sa isang ac­ting workshop na pinangunahan ng MMK director na si Nuel Naval at beteranang aktres na si Malou de Guzman.

Sumikat si Lyca sa mga manonood bilang isang munting batang may malaking pangarap na bumiyahe mula sa Tanza, Cavite, patungong Maynila upang magbakasali sa The Voice Kids. Si Lyca ay laki sa hirap bilang anak ng amang mangingisda., at minsan ay tinutulungan niya ang kanyang ina na mangalakal ng basura.

 

vuukle comment

AGOSTO

BILANG

CAVITE

LYCA

LYCA GAIRANOD

MAALAALA MO KAYA

NUEL NAVAL

SI LYCA

VOICE KIDS

VOICE KIDS PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with